PAGKATAPOS mag-dinner, dinner na hindi na naman namin nakasalo si Darius, naglakad-lakad muna ako sa may garden. Hindi din naman ako nakapagtagal dahil kahit sa loob ng bakuran ng mansyon may bodyguard na nakabantay sa akin. Kahit ba magmuni-muni sa garden, bawal at hindi din ako ligtas? Maaga na lang akong matutulog ngayon. Hindi ko na hihintayin ang isang iyon, dahil mamumuti lang na naman ang mata ko sa paghihintay sa kaniya. Hindi na kapani-paniwala ang pagiging sobrang busy niya. Hindi ako kombinsido lalo at alam kong may choice naman siyang umuwi ng alas-siete ng gabi. Pero pinipili niyang umuwi ng alanganing oras. Pagkagising ko kinaumagahan, wala na naman siya. Mukhang mas maaga siyang umalis ngayon. Pero kahit na ganoon, hindi ko na ito gaanong dinibdib pa. Bahala siya k