"Ate!" Agad akong dinaluhan ng aking mga kapatid nang bigla akong manghina at halos bumagsak ang aking katawan sa sahig. Ang pakiramdam ko ay para akong nauupos na kandila. Nanghihina ako. Nanlalata. Hindi ako makapaniwala sa natuklasan ko. Sa sinabi ng mga kapatid ko. "Kumuha ka ng tubig!" "Huwag mong harangan ang electricfan!" Napatulala ako. Naiiyak. Hindi ko maintindihan ang aking sarili. "Ate, uminom ka muna." Binuka ko nang kaunti ang aking bibig at uminom ng kaunting tubig. Ang iba sa mga kapatid ko ay pinipisil-pisil ang aking mga braso at daliri. Tinutulungan nila akong kumalma. Lumipas ang ilang mga minuto, naging maayos na ng kaunti ang pakiramdam ko. Baka nag-over react lang ako. Baka nag-bingo lang si Nanay. Baka may lamay doon at ngayon lang naman. Huminga ako