"Dito na lang tayo, total ako naman ang manlilibre." Tinuro ko ang sasakyan ko na nakaparada sa unahan. "If you say so..." Napatingin ako sa mga suot namin. Kailangan pala muna naming magpalit. Mamaya ma-hold-up kami. Isipin ng mga tao, miyembro kami ng isang royal family. Well, siya pala, pang-ganung level. Pero ako, isa lang akong dukha na nabihisan nang maayos. "May dala kang extra na damit sa sasakyan mo?" tanong ko. "Why?" litong tanong niya. "Mag-iinom tayo sa kung saan-saan, alangan naman na ganiyan ang suot mo. Baka mamaya mapag-tripan pa tayo ng mga masasamang tao diyan." "Saan ba tayo mag-iinom?" "Basta..." Tinignan ko ang bodyguard niya. At akala mo kung sino akong boss na nag-utos sa isang bodyguard na nakasunod. "May bag ba siya diyan na may extra na damit? P