IILAN lang ang mga kaibigan kong babae kaya hindi ko alam kung magiging masaya ba ang aking bachelorette party. Sinama na nga din namin sina Mommy at Mommy Dara para marami kami, total mga single din sila. Matapos kong buksan ang lahat ng gifts nila sa akin, wala na kaming ibang gagawin. Ganun-ganun lang, tapos na. We toast, we drink and we sang together. Nagkatinginan kami nina Rhiannon, Camila at Amanda. Sa paraan ng pag-upo ng mga pinsan ko, halatang maging sila ay bored na din. "Nakakaantok naman ang party na 'to," bulong ni Rhiannon. Ngumisi lang ako. I couldn't agree more. Hindi tuloy maalis sa aking isipan ngayon, kung paano c-in-elebrate ni Darius ang kaniyang stag party. Pero sabi ko sa kaniya, he should enjoy. Kaso hindi ako mapakali ngayon. Paano kung may babae p