Hindi pa ako agad nakakilos ng iwanan niya ako sa kuwarto. Sinandal ko ang aking ulo sa headboard ng kama at sandaling nag-isip.
Wala na. Wala na ang virginity ko na iniingatan ko. Kahit naman magaslaw ako at bulgar magsalita, pinapahalagahan ko ang virginity ko.
Bumuntong hininga ako. Ngayon ko lang lubos naunawaan si Camila sa kaniyang ginawa.
Para sa pamilya at mahal mo sa buhay magagawa mo talaga ang mga bagay na ni sa panaginip ay hindi mo magagawa.
Pero ano pa nga ba ang magagawa ko? Nandito na. Ang perang ito ang magpapabago sa buhay namin. Sa buhay ng pamilya ko.
Sabi ko isang beses lang. Sabi ko hindi ako gagaya sa iba na hindi na nakaahon dahil mas pinili nilang mamuhay nang marumi. Pero ano 'to at nakigaya din ako. Katulad na ako. Pumayag ako na masadlak sa lusak para sa pera.
Huminga ako nang malalim saka dahan-dahan nang umalis ng kama. Nagpunta ako ng banyo para maghilamos at makapagbihis na din.
Nilagay ko ang paper bag na naglalaman ng pera sa loob ng aking mumurahing bag.
Paglabas ko ng kuwarto, may isang malaking mama ang naghihintay sa akin. Wala syang imik na giniya ako hanggang sa elevator, hanggang sa labas ng building.
Naglakad siya hanggang sa taxi na nakaabang sa labas.
Pinagbuksan niya ako ng pintuan. Nang makasakay ako, sya na din mismo ang nagsara. Lumapit siya sa driver ng taxi at nag-abot ng isang libo.
"Pakihatid siya nang maayos sa pupuntahan niya," bilin niya dito.
Bilin kaya ito sa kaniya ng lalakeng iyon? Malamang! Tauhan niya ito kaya malamang na ang ginawa nito ay utos ng kaniyang amo.
Kinilig ako. Hindi ako naniniwala sa sinabi niyang masama siya. Mabuti siyang tao. Ang sweet pa niya.
Hindi kaya may gusto siya sa akin? Binayaran na niya ako. Bakit kailangan pa niya akong ipahatid sa kaniyang tauhan.
Hindi na mawala-wala ang ngiti sa aking mga labi habang nasa biyahe ako.
Mag-uumaga na ng makarating ako sa bahay namin. Tulog pa ang mga kapatid ko, samantalang si nanay naman ay naghahanda na sa pagpasok sa palengke.
Hindi ko alam kung tutuloy pa siya sa palengke kapag naiabot ko na sa kaniya ang pera.
"Inumaga ka na yata," sambit niya habang ang kaniyang mga mata ay nasa tasa ng kape na hawak niya.
"Naghanap po ako ng pera," sagot ko naman. Doon pa lang niya ako tinignan.
"May nahanap ka bang pera?"
"Opo, saglit lang po at magbibihis lang ako." Ang laki ng ngiti niya sa mga labi nang marinig niya ang sagot ko.
Pumasok ako ng banyo para magbihis at para na din kumuha ng pera. Hindi niya puwedeng makita ang malaking pera na hawak ko.
Paglabas ko, inabot ko kay nanay ang one hundred fifty thousand.
Umiyak si nanay habang nakatingin sa pera na hawak niya.
"Aalis na ako," paalam niya. Hindi na niya inubos pa ang kaniyang kape.
Umalis siya ng bahay para magpunta na ng prisinto. May nasaksak si tatay nang nakaraan na makipag-inuman ito, kaya nasa kulungan siya ngayon.
Ang iba sa pera ay para sa bail ni tatay at ang iba naman ay ibibigay doon sa nasaksak niya.
Tiningnan ko ang natirang pera. Para ito sa bibilhin kong bahay para sa kanila. Hindi na sila puwede dito. Lalo na si tatay. Baka kasi balikan siya ng ilan sa mga kamag-anak nang sinaksak niya.
Nahiga ako pero hindi ako dalawin ng antok. Sobrang sakit ng aking katawan lalo na ang aking panggitna. Pero hindi naman ako makatulog, lalo at naiisip ko ang malaking halaga ng pera na nasa ilalim ng aking unan.
Kaya imbes na magpahinga pinili ko na lang na makipagkita doon sa kausap kong nagbebenta ng bahay. Rights lang ang bahay kaya abot kaya ang presyo.
Una kong pinuntahan ang barangay para i-check kung iyong kausap ko ba ang totoong may-ari ng bahay. Sinigurado ko na din kung wala bang ibang may-ari katulad na lang kung may napagsanlaan itong iba.
Nang sabihin ng punong barangay legit ang kausap ko, nakipag-deal na ako at agad binayaran. Ang kasulatan na nilagdaan namin ay pinanotaryo din namin.
Bukas puwede nang lumipat sina nanay dito. Hindi ako sasama sa kanila dahil maghahanap ako ng trabaho sa Manila. Malayo kasi ito doon. Sasakay pa ng tricycle saka apat na beses na sasakay ng jeep. May tindahan ang bahay kaya ito ang napili ko. Magtinda-tinda na lang sina nanay at tatay para may pagkaabalahan sila at pagkakitaan kahit paano.
Hindi sa bahay matutulog si tatay mamayang gabi, dahil baka sumugod ang mga kamag-anak ng sinaksak niya. Gusto naming makasigurado. Kahit naman lasenggo siya, ayaw naman namin na mapahamak siya. Mabait naman si Tatay huwag lang talagang kakantiin.
"T-Talaga?" hindi makapaniwalang tanong ni nanay nang sabihin ko sa kaniya na nakabili ako ng bahay na lilipatan nila ng mga kapatid ko.
Gaya kanina hindi man lang siya nagtanong at nagtaka kung saan galing ang pera.
Masaya silang nagligpit ng mga gamit namin, para bukas madali na lang maghakot pagdating ng sasakyan na maghahakot ng mga gamit papunta doon.
Hindi amin itong bahay na tinitirhan namin. Illegal settler kami dito at ide-demolished na din ito sa susunod na buwan. Wala daw relocation site dahil hindi ito sa gobyerno.
NAGING abala ako hanggang sa sumunod na araw. Nag-text ako kina Camila at Amanda na hindi muna ako makakadalaw sa kanila.
Magugulat ang mga iyon kapag sasabihin ko na doon na ako makikitira sa kanila. Wala kasi silang alam sa nangyari sa akin. Ayaw ko silang bigyan ng stress lalo at nagpapagaling pa lang si Amanda. Si Camila ay buntis din.
Nilalagnat ako at sobrang sakit ng aking katawan pero hindi pa muna ako puwedeng magpahinga. Sinigurado ko muna na maayos na at komportable ang mga magulang at kapatid ko. Bumili ako ng mga kutson para sa kanila. Bumili ako ng refrigerator at nag-grocery ako para sa tindahan ni nanay.
"Salamat, Anak..." Niyakap ako ni tatay. Umiiyak siya. Samantalang si Nanay naman ay nakatayo lang sa sulok at hindi man lang ako niyakap katulad ni tatay. Ang mga kapatid ko ay walang humpay din na nagpapasalamat sa akin.
"Salamat sa malambot na higaan, Ate."
"Salamat sa bahay, Ate."
"Salamat sa tinadahan."
"Salamat sa komportableng bahay."
Pero si nanay wala man lang sinasabi. Nakakasama talaga ng loob. Hindi ko alam kung anak ba niya ako.
Mabait naman si Nanay. Hindi naman niya ako sinasaktan. Hindi lang talaga niya kami pantay-pantay kung ituring.
ILANG araw akong may sakit kaya hindi ako nakabalik sa hotel. Sana lang hindi isipin ng lalake na iyon na niloko ko siya. Kung kaya ko lang bumangon, pupuntahan ko naman siya.
At kung pilitin ko namang magpunta doon, baka iyon pa ang ikamatay ko lalo na kung gamitin pa din niya ako kahit na may sakit ako.
Hanggang ngayon masakit pa ang buong katawan ko. Makirot pa din ang aking kepyas.
Siguro naman sa susunod na gawin namin iyon, hindi na ganoon kasakit.
Napanguso ako at napaisip.
Napangiti ako nang maalala ko ang kaniyang itsura. Ang guwapo niya talaga.
Ang hot. Ang sarap pa!
Pagkatapos ng ilang araw, bumuti na ng tuluyan ang aking pakiramdam. Agad akong nagtungo sa hotel upang katagpuin ang lalake.
Bumili pa ako ng bagong dress para naman presentable ako sa paningin niya. Malakas ang kalabog ng aking dibdib dahil sa excitement.
Hindi ko nga din maintindihan ang aking sarili kung bakit ako excited.
Lily, hindi mo siya nobyo. Remind lang kita, ha, paalala ko sa aking sarili.
"Hello po..." Lumapit ako sa receptionist.
"Guest po ako sa penthouse," sabi ko rito.
Sandaling nag-isip ang babae bago siya sumagot.
"Ma'am, wala po si Sir, e."
"Huh? Ano'ng oras po siya dadating?"
"I'm not sure po, Ma'am, e. Nandito po siya four days ago, pero umalis din po."
"Hindi na bumalik?" bigong tanong ko.
Umiling siya.
"Alam mo po ba ang number niya?"
"Hindi po, Ma'am."
"Pangalan at--"
"Sorry, Ma'am, pero..."
Bumuntong hininga ako.
"Okay, babalik na lang ako sa susunod na araw."
Bumalik ulit ako pero sabi ng receptionist hindi pa din daw umuuwi ang lalake. Nakakainis! Bakit kasi hindi niya binigay ang number niya sa akin?
Kahit pangalan na lang sana para mahanap ko siya sa social media.
"Hindi na siguro kami magkikita," bulong ko.
Napatingin ako sa mataas na gusali sa aking harapan. Mapait akong ngumiti.
Salamat, kung sino ka man. Salamat dahil dumating ka sa mga panahon na kailangan ko ng tulong. Kahit na may kapalit ang tulong na iyon.
Gagamitin ko sa pag-aaral iyong pera. Sana magkita pa tayo ulit someday. That time successful na siguro ako. Ibabalik ko ang pera mo.