Chapter Seventy-three Labis ang panginginig ko habang yakap ni Governor Rosales. I tried to calm down dahil iyon ang pakiusap ni Kygan bago iparinig ang recording sa laptop nito. Pero sa narinig ko ay parang ang pagkalma ang isa sa hindi ko kayang gawin ngayon. "Oh God! No! Please! Gov, do something. Do... s**t!" napasapo ako sa dibdib ko dahil sa paninikip no'n. Masaganang luha ang bumasa sa pisngi ko. Ang malakas na pag-iyak ay pumupuno sa study room na kanina'y sobrang tahimik. "Kadynce, kailangan mong magpakatatag. Kailangan nating mag-isip sa sitwasyon na ito." Alo nito sa akin. Muling pumailanglang ang recording na kanina lang ay ipinadinig nito sa akin. Gemma: "Relax, Evan. Walang makakaalam na tayo ang may gawa nang pagkawala ng matandang iyon. Wala kang pinagsabihan. May magan