Chapter Seventy-two Occupied ako ng trabaho kaya nakikibalita na lang ako kay Evan sa paghahanap kay Manang Mariana. "Usap-usapan ngayon na baka sumama si Manang sa foreigner. May nakapagsabi na nakita raw sa bus may kasamang lalaki." Nahinto ako sa pagsandok saka tumingin dito. Gabi na naman, sa gabi lang kami nagkikita nito dahil palaging gabi na ang uwi ko. "Baka naman nakasabay o nakatabi lang sa bus. Sa edad ni Manang na iyon ay malabo naman na siguro iyon." Napalabi si Evan. "Feeling ko totoo, Kady. Kasi kilala iyan si Manang dito sa amin na pangarap makapag-afam. Active pa yata sa s*x life si Manang sa edad niyang iyon---" "How about you?" ani ko. "Kady, naman... sinabi ko na ang kalagayan ko. Alam mo na iyan. Huwag mo naman sanang gamitin sa akin na pang-insulto." "Nain