Chapter Twenty-three "Kady, kanina pa ako nakakahalata. Iniiwasan mo ba si Governor Rosales?" pabulong na tanong ni Kygan sa akin. Papadilim na. Ito kami ni Kygan nag-iihaw ng kamote. Tumingin ako sa lalaki na kunwari'y walang idea sa sinasabi nito. "Iniiwasan ko si Governor Rosales? Bakit ko naman iiwasan si governor?" painosenteng tanong ko rito. "Well... kanina kay Ma'am Garrie ka busy. Ngayon dito naman sa tabi ko. Kailan ka magkaka-time kay governor?" "Ha?" nagsalubong pa ang kilay ko. Alam ba nito iyong mga tumatakbo sa utak ng boss nito? Nasabi ba ni Governor sa tauhan niya na inaalok niya ang katawan niya sa akin? "Anong ha? Hotdog?" "I mean bakit kailangan kong magbigay ng time kay governor? May trabaho ba ako ngayon sa kanya?" "Hindi naman. Pero sana kausapin mo. Mag-