Chapter Twenty-two Hapon na ako nagising. Nang lumabas ako ay handa naman na ako para maligo. Luckily, may dala akong tatlong pares ng swimsuit. Nang lumabas ako ay nakasuot din ako ng cover-up na manipis lang din naman. Naliligo na ang mga kasama namin. That's my plan. Maligo rin. Pero akmang pupunta na ako nang biglang sumulpot si Governor Rosales sa harap ko. Hindi ko alam kung saan ito nanggaling dahil ang focus ng isip ko ay maligo. "Gov, maliligo po ako." Sabay turo sa falls. "Eat first, Kadynce." Sabay turo nito sa mesa kung saan may pagkaing nasasakluban ng cloche. "Ligo muna." Nagpa-cute pa ako baka sakaling pagbigyan pero umiling ito. No choice tuloy ako. Lumakad ako patungo sa mesa. Ito pa ang nagtanggal ng mga cloche. "Let's eat." "Hindi ka pa kumain?" gulat na tanong ko