6

1980 Words
Chapter Six "Ate, pinapasundo ka ni nanay." Hapon na at mag-isa ako sa bahay nang dumating si Rouner. Kapatid ito ni Evan at siyang sumunod sa asawa ko. "Ha? Bakit daw, Rou?" ani ko na sinenyasan itong pumasok ng bahay. "Nagluto po kasi si nanay ng bilo-bilo at nais niyang ipatikim sa 'yo." "Gano'n ba? Sandali lang at ite-text ko ang Kuya mo." Kinuha ko ang cellphone ko sa kwarto at dali-daling tumipa ng text sa asawa. Gusto kong mapalapit at makilala ang pamilya ng asawa ko kaya sa tingin ko ay okay lang na sumama ako rito. Hindi naman ako umasa ng reply kay Evan lalo't nasa trabaho ito. Kaya naman binitbit ko na lang ang cellphone ko at niyaya na si Rou na umalis. Motor ang ginamit namin sasakyan at mabilis lang din kaming nakarating sa kanilang bahay. "Nay, nandito na si Ate Kady." Malakas na balita ni Erina saka ito tumakbo para buksan ang gate na kahoy. Nang nakapasok na kami ay saka ako bumaba ng motor. Bumeso si Erina sa akin. "Ang bango mo, ate. Pa-arbor naman ng ganyang pabango. Mamahalin siguro iyan." "Hindi naman, Erina. Pero may extra bottle ako sa bahay. Kunin mo na lang doon." Tugon ko sa babae na napa-yes sa galak. "Tara sa loob, ate. Nagluto si nanay ng bilo-bilo." Iginiya ako nito papasok sa bahay nila. "Mag-work na si Kuya, 'te?" "Oo, ngayong araw siya nagsimula sa trabaho." Tugon ko rito. "Mano po." Magalang na ani ko kay Nanay Eleya. "Kaawaan ka ng Diyos, Kady." Sagot naman ng ginang. "Halika sa kusina. Tikman mo itong bilo-bilo. Naisipan ko lang magluto para i-celebrate ang unang araw ni Evan sa trabaho." Kumuha ito ng mangkok at nagsandok. "Salamat po, 'nay." Ngiting-ngiti na ani ko pagkalapag nito ng mangkok sa harap ko. Agad kong naamoy ang mabangong pagkain na inihain ng matanda. "Masarap iyan, Ate Kady. Specialty ni nanay iyan." Pagbibida ni Erina. "Tikman mo na, ate." Dinampot ko ang kutsara at maingat na kumuha ng bilo-bilo. Inihipan saka ko tinikman. Sakto lang ang timpla, hindi masyadong matamis. "Masarap?" tanong ni Nanay Eleya sa akin. Agad naman akong tumango rito. "Opo, nay. Sakto lang po ang tamis niya. Masarap po. Gusto ko po." "Buti naman at nagustuhan mo. Kain lang nang kain. Kung gusto mo pa'y magsabi ka lang at sasandukan kita." "Thank you, nay." "Ate, magkwento ka naman ng tungkol sa 'yo. Gusto kitang makilala." Sinulyapan ko si Erina. "Ako?" "Opo, kung tagasaan ka, tungkol sa pamilya mo, sa buhay n'yo. Pangalan lang kasi ang alam namin sa 'yo." "Ah, okay. Sige, Erina." Ngumiti pa ako rito. Tama lang din namang makilala nila ako. "Nag-iisa akong anak ng parents ko. Graduate ako ng business management. Sa company namin ako nagtratrabaho---" "Rich kid ka, ate?" "Rich? Siguro iyong parents ko pero ako hindi." "Ay! Pa-humble ka, ate. Rich ka na rin kasi sa 'yo rin naman mapupunta ang mga iyon." "I don't think so." Napabuntonghiningang ani ko. "Ha? Sabi mo'y nag-iisa kang anak." "Tama. Pero itinakwil kasi nila ako." Bumagsak ang tingin ko sa pagkain ko. "Dahil ba pinili mo ang anak ko?" gumawi sa ginang ang tingin namin ni Erina. "Dahil ba pinili mong pakasalan si Evan?" "Itinakwil po nila ako dahil ayaw nila kay Evan. Pero ayos lang po iyon sa akin, nay. Mahal na mahal ko po si Evan at hindi ko kaya na magkalayo pa kami." Genuine na ani ko sa ginang. "Mali ka, Kady. Hindi mo dapat hinayaan na itakwil ka ng pamilya mo dahil lang sa pag-ibig. Mali na talikuran mo ang buhay na meron ka para sa lalaki." "Nay!" ani ni Erina. "Si Kuya Evan iyong lalaki." Natawa pa ito. "Sa tingin ko po'y hindi mali, nay. Worth it piliin ang anak ninyong si Evan. Sobrang buting tao po niya at wala po akong nararamdaman na pagsisisi dahil minamahal po ako ng tama ng anak ninyo." Si Erina na nakikinig ay napahagikhik na parang kinilig. "Kilig na kilig, Erina." Puna ni Nanay Eleya sa anak na dalagita. "Aba'y parang teleserye kasi, nay." "Sasagot ka pa. Naisip mo bang kawawa ang Kuya mo---" "Nay?" takang ani ko. "Ano pong ibig ninyong sabihin?" "Tiyak na kung ano-anong salita Ang narinig ng anak ko sa pamilya mo, Kady." Totoo naman iyon at tiniis ni Evan iyon para at ipinaglaban pa rin ako nito. "Sorry about that, Nanay Eleya." "Nay, walang kasalanan si Ate Kady roon. Hindi hawak ni ate ang mga tao sa paligid niya." "Mahal ko po si Evan, nanay." "Oo naman. Kaya nga kayo nagpakasal kahit wala kami." Parang may sama ng loob ang ginang. "Sorry po." "Nay, tama na iyan." "Ha? Wala lang naman iyon." Biglang ani ng ginang at tumawa. "Ate, malaki ba ang bahay ninyo? Sobrang yaman n'yo ba talaga? Siguro sunod lahat ng luho mo, ate. Dito kasi sa bahay lipstick lang na luho ko hindi pa afford nila nanay." Inirapan ni Nanay Eleya ang bunsong anak. "Kaya iyang labi mo ay parang pinaputok na nguso eh. Kady, hindi naman ba hirap ang anak ko? Alam mo naman, sanay ka sa marangyang buhay---" "Hindi po, nay. Kung iniisip po ninyo na hinahanap ko kay Evan iyong mga luho ko no'ng dalaga pa ako ay mapanatag po kayo dahil hindi po gano'n." Para itong nakahinga nang maluwag. "Salamat naman kung gano'n, Kady. Siyempre inaalala ko lang ang anak ko. Baka maluho ka tapos sa kanya mo kunin ang lahat ng luho mo. Baka hindi kayanin ng anak ko. Baka mahirapan siya... baka hindi na rin makapagbigay rito sa bahay. Alam mo naman, nag-aaral pa si Rouner at Erina. Lahat ng mga gastusin namin ay kay Evan nanggagaling." Alam kong breadwinner si Evan, at alam ko rin iyong kagustuhan ng asawa ko na makatulong sa pamilya niya. Hindi rin naman ako makikialam o magiging hadlang doon. "Wala po kayong magiging problema sa akin, nay, kung usapang suporta sa inyo ni Evan." "Salamat naman. May iba kasi d'yan na kapag nakasal na sila... kokontra na ang mga asawa nila sa pagtulong sa pamilya." "Nay," ani ni Erina. Sinasaway ang kanyang ina. "Itong si Erina ay sa private school pa papasok sa sunod na taon. Doon na kasi papasok ang mga kaibigan niya. Mahal ang tuition fee." "Nanay, kayo na lang po ni Evan ang mag-usap sa bagay na iyan." Kalmadong ani ko. "Hija, iyon nga... kausapin mo si Evan at kumbinsihin mo siyang payagan na itong kapatid niya na pumasok sa private school. Tiyak na kayang-kaya naman ni Evan iyon lalo't malaki magpasahod si Governor Rosales." Nang tignan ko si Erina ay todo ngiti ito sa akin. "Sasabihin ko po sa kanya... pero kausapin n'yo pa rin po siya." Tugon ko. Hindi ako pwedeng mag-decide o magsalita regarding sa matter na iyon dahil usapang pamilya nila iyon. Asawa ko na si Evan pero hindi ko siya pangungunahan sa bagay na ito. "Salamat na agad, ate." Bahagya lang akong tumango. Nang naubos ko na ang pagkain ay sinandukan pa ako ulit ni Nanay Eleya. "Magbabalot na rin ako para matikman ni Evan." "Sige po, nay." Tugon ko rito. Kanina ko pa gustong umuwi. Pero hindi naman ako pwedeng magmadali. Kung gusto kong makilala at makasundo ang pamilya ng asawa ko ay kailangan ko ring maglaan ng time. At nang oras na nga nang pag-uwi ay wala na si Rou. "Nag-basketball daw, nay." "Paano ang Ate Kady mo? Ihahatid pa niya. Tawagin mo nga." "Ayaw ko, nay. Ang layo-layo ng court." Tanggi agad ni Erina. "Kady, okay lang bang lakarin mo na lang? Malapit lang naman, eh." Pakiusap ng ginang. "Ah, s-ige po. Lakarin ko na lang." Sinunod ako kanina, ngayong pauwi ay naglalakad na ako. Mag-isa ko lang at ayos lang naman. May bitbit pa akong plastic na may lamang tupperware. Habang naglalakad ay nag-ring ang cellphone ko. Si Evan iyon. "Misis?" ani agad ni Evan. Ipinakita ko rito ang background ko. "Saan ka?" "Pauwi na. Galing ako sa inyo. Sinundo ako ni Rouner dahil nagluto si nanay ng bilo-bilo." "Bakit naglalakad ka ngayon? Hindi ka ba hinatid?" takang tanong ng lalaki sa akin. "Nag-basketball si Rou." "The heck! Hindi ka nila dapat pinalalakad na mag-isa lang. Saglit nga'y tatawagan ko---" "No, Evan! Okay lang naman akong maglakad. Huwag mo na silang tawagan baka ma-misinterpret pa nila ang pagtawag mo." Mabilis na saway ko rito. Napabuntonghininga ang lalaki. Nasa bus na ito pauwi. "Malapit na ako, misis. Tignan-tignan mo ang bus na kinalululanan ko. Bababa ako kung nasaan ka na banda." "Sa bahay ka na bumaba, mister. Okay lang talaga ako." "No." Tugon nito. Natanaw ko na ang bus. Nang nasa tapat ko na ay huminto iyon at dali-daling bumaba roon si Evan. Nang nakalapit ito sa akin ay agad itong humalik sa pisngi ko. Saka kami nagpatuloy sa paglalakad. "Kinausap ka nila nanay?" "Oo." Saka ako napabuntonghininga. "Anong sinabi nila sa 'yo?" "Narinig ko kay nanay ang worries niya regarding sa dati kong buhay... na baka sa 'yo ko hinahanap." "What? Kakausapin ko si nanay---" "Evan, no! Normal naman siguro iyon? Siyempre iniisip lang ni nanay na baka mahirapan ka. Saka si Erina... sabihin ko raw sa 'yo iyong tungkol sa planong paglipat niya sa sunod na school year sa private school." "Ha? Sinabi ko na sa kanila na tutulong ako pero hindi na katulad ng dati. Kasal na ako at ikaw na ang priority ko. Iyang private school na pangarap ni Erina ay hindi na iyan kasama sa responsibility ko." "Kaya sabi ko'y pag-usapan ninyo iyan, Evan. Ako naman ay wala akong say d'yan. Ikaw ang magdesisyon." "May say ka na rito dahil ikaw ang asawa ko, Kadynce. Tsk. Pinapunta ka nila roon para sa bagay na iyon?" "Ayos lang, mister." Marahan kong hinaplos ang braso nito. "Listen, Kadynce. Kung may hihingiin man sila na kung ano-ano sa 'yo ay huwag mong bibigyan. If may kailangan sila ay sa akin sila magsabi. Alam nating pareho na mabait ka... baka abusuhin nila ang kabaitan mo." "Hindi naman siguro." Mahinang ani ko sa asawa. "Mahal ko ang pamilya ko, Kady. Pero kailangan matutuna sila na hindi habambuhay ay pasan ko sila. May asawa na ako at soon ay magkakaanak. Ang priority ko ay ang pamilyang bubuuin natin." Tumango ako rito. Nauunawaan ko naman ito. Nang nakarating kami sa bahay ay agad kong inasikaso ang bilo-bilo para makain niya. "Kumusta naman ang unang araw sa trabaho?" "Okay naman, misis. Medyo nakakainip lang dahil puro meeting si Governor Rosales. Pagbabantay at paghihintay ang trabaho namin. Sabi ng kasamahan ko ay pwede raw magbago agad ang shifting, depende kay Governor Rosales. Pwede rin daw malipat sa ibang kapamilya niya ang trabaho namin." "What do you mean?" "Pwede kaming malipat... sa misis niya... sa parents niya. Depende kay Governor Rosales." "Mabait ba namang boss?" "Mabait, misis. Matulungin talaga. Kanina nalaman lang niya na may batang kailangan dalhin sa ospital ay agad nag-utos na ihatid sa ospital. Dahil walang available na sasakyan sa capitol o kahit ambulance ay iyong isang sasakyan na niya ang ipinagamit niya." Napatango-tango naman ako. "Nasabi rin sa akin na possible raw na hindi masunod iyong 5 pm na uwian kapag may mga lakad si governor at hindi agad nakakapagpalit ng shift. Kaya kung late man ako ng uwi ay ibig sabihin lang no'n na nasa labas kami at nagtratrabaho sa kanya." "Okay, basta inform me ha." "I'll do that, Kady." Tugon nito sa akin. Nang natapos itong kumain ay saglit itong nagbihis muna at saka ako sinamahan sa kusina para maghanda ng dinner namin. Nagtatawanan pa kaming dalawa dahil sa tuwing iikot ito para kunin iyong mga kailangan sa mesa ay nakukuha pa nitong humalik sa labi ko. "Misis, iyong kapitbahay halos mabali na ang leeg kasisilip." Bulong nito sa akin. Sino? Si Manang Mariana?" "Bakit kaya?" curious na tanong ko. "Ewan ko ba d'yan... pagpasensyahan na lang talaga natin. Matanda na kasi." Tumango naman ako rito.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD