Zierra's P O V Nakarating kami sa tapat ng bahay ngunit wala ni isa ang nadatnan namin dito. "Parang nagpatuloy parin sila sa paghahanap kina sarah." mahinang wika ni kiel. "Guys? Paano kung pati sila? Ayaw ko na talaga, ayaw ko pang mamatay!" hikbing tugon ni christine. Hanggang ngayon ay nanatili parin sa mga mata ko ang mga nakita ko kanina. Duguan at wala ng malay, hindi ko alam kung sino ang gumawa ng ganoong bagay kina sarah at paulo. Wala naman ata kaming ibang kasama sa bahay na ito. Ang alam kong huling kasama nila'y si stef. "Ano ba christine, babalik sila dito ng ligtas okay? Walang mababawas pa sa'tin." tugon ni kiel. "Eh? Sino naman ang taong gagawa ng ganoon kina sarah at paulo, sa pagkakaalam ko'y wala tayong ibang kasama sa bahay na ito" wika pa ni paulo. Napalingon