Zierra's P O V Halos hindi ako makapaniwala sa nakita ko ngayon. Ang bawat bakas ng mga dugo'y patuloy sa pag-agos sa lupa. Hindi na siya ang babaeng nakilala ko, hindi na siya ang babaeng nakasama ko. Hindi siya ang babaeng bestfriend ko. "Thea! Tignan mo ang bawat patak ng dugo. Tignan mo ang mga kasamahan mong nag-aagaw buhay!" mala demonyong wika ni stef. Hindi ko maiwasang pumatak ang mga likido ko galing sa aking mga mata, hindi dahil sa mga kasama kong wala ng buhay kung hindi dahil kay stef, hindi ko alam na hahantong ang lahat sa ganito. Hindi ko alam na makakaya niyang paslangin ang mga taong walang kasalanan sa kaniya. "Stef? A-anong nangyari sa'yo?" hikbing tugon ko. Hindi ko kayang tignan ang mga kasamahan kong nakahiga na sa sahig at walang malay, walang buhay. Hindi