Zierra's P O V Minulat ko nalang ang mga mata ko at tinignan ang relos. Ang bilis ng oras, five-thirty na pala ng hapon? Umawat ako sa kinahihigaan ko at nagtungo sa kusina. Kailangan ko na atang magluto. Pagkarating ko sa kusina, wala ni isang tao ang nadatnan ko dito. Wala ba ni isa sa mga boys ang nagpasyang pumunta dito sa kusina upang magluto para sa hapunan nila? Biglang nakuha ang atensiyon ko nang makita ang isang kaldero na ngayo'y nakasaing at kawali. May nauna na sa'king magluto? At sino naman? Sa pagkakaalam ko'y tulog ang lahat ng girls. Agad kong binuksan ito, kanin at minudo? Napangiti nalang ako habang tinitikman ang minudo na ngayo'y nakalagay sa kawali. Hindi ako nagkakamali, kay kiel ang lahat ng 'to. Agad akong kumuha ng ulam sa kawali't inilagay ito sa bowl. M