Zierra's P O V Pagkalipas ng sampung minuto ay agad na akong pumunta sa boys room. Siguro'y sapat na ito upang mapaniwalang parang walang nangyari. Agad kong nadatnan ang mga kasama kong tawa ng tawa. Ano kaya ang pinaguusapan nila? Biglang natigil ang bawat halakhak nila nang makita akong nakatayo sa harap nila. Hala? Ano itong tingin nila? "Bakit?" nagtatakang wika ko. "Ang fresh natin ah?" tawang tugon ni kiel tsaka ako tinitignan mula ulo hanggang paa. Napakunot noo nalang ako nang marinig iyon. Si kiel? Kinakausap ako sa harap ng iba pa naming kasama? Baka ginawa lang niya ito upang mapaniwalang wala talaga kaming ginagawa. Tsk. "Ayeeeee" tili pa ng ibang girls. Habang ang ibang boys naman ay pinaulanan ng batok sa ulo at balikat na animo'y kinikilig pa. Ang panget tignan ng mga