Kabanata 3
Care
Nang makapasok ako sa kanyang silid ay nakita ko agad ang kanyang malapad na likod at ang kanyang muscle ay bakat na bakat sa damit nito. Napalunok ako at tumuwid ng tayo.
"S-Sir... Bakit niyo po ako pinapatawag?"
"Hmm... I have something to ask you." Sabi nito at humarap sa gawi ko kaya agad akong kinabahan sa sinabi niya.
"A-Ah... A-Ano p-po 'y-yon sir…?" Kinakabahan kong sabi at nakita kong napangisi ito.
"Who are you?" Matigas nitong sabi na nagpakaba sa akin kaya napaatras ako ng konti. Bumilis ang t***k ng puso ko nang makalapit ito sa akin at bigla akong inilapit sa kanya.
Ang kamay nito ay nasa likod ko at sobrang lapit na ng kanyang katawan sa akin. Napayuko ako ng makitang konting galaw lang ay mag lalapit na ang kanyang labi sa akin.
"S-Sir..." Nauutal kong sabi pero hindi manlang ito gumalaw kaya naghuhumerantado ang dibdib ko.
"Why are you here?" Malamig nitong sabi.
"N-Nag tatrabaho l-lang po ako dito... A-Ako p-po si A-Azalea--" napatigil ako ng mahigpit nitong hinawakan ang aking braso kaya napa-aray ako.
"S-Sir... Nasasaktan na po ako." Sabi ko sa kanya at bigla nitong tinabig ang braso ko at hinimas himas ko ito dahil sobrang sakit ng pag kakahawak nito sa akin.
"Get out!" Sigaw nito kaya napaatras ako. Unti-unti akong umatras at lumabas na ako. Hindi ko mapigilang mapaiyak dahil nasaktan ako sa sinapit ko kanina. Mabilis pa rin ang t***k ng puso ko. Nang mahimasmasan na ako ay huminga ako ng malalim at pinahid ang aking luha.
Bumaba na ako at nakasalubong ko si ate Jenneth. Nakangiti nitong lumapit sa akin.
"Anong sabi ni Sir? May ginawa ba siya sayo?" Nakangiti nitong sabi.
"M-May tinanong lang siya sa akin." Sabi ko sa kanya at umiiling na tumitig sa siya sa akin.
"Parang may mali eh... Ano 'yong tinatanong niya sayo?"
"Tungkol lang sa trabaho, wala naman siyang ginawa sa akin. Punta na ako sa kusina baka kailangan na ako ni manang."
"Oh... Sige, pupunta lang ako sa taas may pinapakuha lang sa akin si manang." Nakangiti nitong sabi at tumulak na ito papunta sa taas kaya pumunta na ako sa kusina.
Naabutan ko si manang na nagluluto kaya lumapit na ako sa kanya.
"Manang, may maiitulong ba ako?" sabi ko at lumingon ito sa akin.
"Ikaw muna ang mag hugas ng pinggan dahil may pinapagawa pa ako kay Jenneth kaya ikaw muna."
"Okay po manang." Nakangiti kong sabi at nag simula na akong hugasin ang mga pinggan at habang ginagawa ko ito ay napapaisip ako sa mga sinabi sa akin ni Sir, bakit niya ako tinatanong kung bakit ako nandito? Syempre, nag tatrabaho kaya nga nandito ako eh... at ano naman kaya ang iniisip non. Napailing na lamang ako.
Nang matapos ako sa ginagawa ay nag paalam muna ako kay manang at pumunta muna ako sa silid para mag bihis. Habang naghahanap ako ng maisusuot ko ay nakita kong tumutunog ang cellphone ko hudyat na may tumatawag kaya kinuha ko ito. Bumilis ang t***k ng puso ko ng makita kung sino ang tumatawag.
"H-Hello..." Nauutal kong sabi.
"A-Anak..." Narinig ko sa kabilang linya na umiiyak ito kaya hindi ko ring mapigilang mapaiyak.
"M-ma..." Umiiyak kong sabi. Miss ko na sila. Ilang buwan ko na silang hindi nakikita. Napahagulgol na lamang ako ng magsalita ito at nakinig na lamang ako.
"W-Wag p-po kayong mag-alala, okay lang po ako," umiiyak kong sabi.
"Uuwi rin po ako diyan, opo, ingat po kayo diyan... Goodbye..." At agad ko nang ibinababa ang cellphone. Hindi ko talaga mapigilang mapaiyak kapag naririnig ko ang boses ni Mama.
"Oh... Anong nangyari sayo?" Nagulat ako ng pumasok sa silid si ate Jenneth kaya agad kong pinahid ang natitirang luha sa aking pisngi at humarap sa kanya.
"A-Ah... Tumawag lang si mama sa akin."
"Ah... Miss mo na sila no..?" Tanong nito at tumango ako sa kanya.
"Wag kang mag-alala at masasanay ka rin. Kailangan natin mag-tiis para sa pamilya natin. Di ba kailangan mo ng pera para sa pamilya mo?" Tanong nito at agad akong umiwas sa tingin niya.
"O-Opo..." Mahina kong sabi.
"Edi... Kailangan mong mag-tiis na hindi mo sila makita. Masasanay ka rin katulad ko." Nakangiti nitong sabi at ngumiti na lamang ako sa kanya.
"Teka lang, mag bibihis muna ako." Sabi ko sa kanya at tumango ito kaya agad na akong pumunta sa CR.
Agad akong lumapit kay manang ng tinawag niya ako.
"Ano pong ipapagawa ninyo sa akin?"
"Dalhin mo 'to kay Sir dahil hindi na siya bababa dito para kumain."
"B-Bakit po ako?" Sabi ko at nakakunot na tumingin siya sa akin.
"Syempre, ikaw ang personal maid niya." Sabi nito na nag patahimik sa akin. Kainis, oo nga pala ginawa niya pala akong personal maid.
"A-Ah... O-Oo n-nga p-pala hehehe."
"Dalian mo na, pumunta ka na doon." Pag papaalis nito sa akin kaya wala na rin akong nagawa kundi dalhin ang pagkain nito.
"Sir, nandito na po ang pagkain niyo." Sambit ko at pumasok na ako. Nakita ko siyang nasa gilid ng kanyang lamesa at parang may ginagawa ito.
"Sir, saan ko po ito ilalagay?" Tanong ko at nakita kong itinuro nito sa lamesa niya kaya lumapit na ako doon. Habang nilalagay ko ang pagkain niya sa lamesa ay hindi ko mapigilang tumingin sa gawi niya. Seryoso itong nakaharap sa laptop nito at parang hindi manlang ako tinapunan ng tingin.
Hindi ko namamalayan na matagal ko na pala siyang tinititigan at nakita kong sumulyap ito sa akin kaya agad akong umiwas. Kainis, nahuli niya ako, nakakahiya.
"What are you doing?" Masungit nitong sabi kaya umiling ako.
"W-Wala po..."
"If you are done, leave now." Masungit nitong sabi kaya hindi ko mapigilang mainis. Akala naman niya ang gwapo niya porket nahuli lang niya akong tumititig sa kanya. Nakakainis!
"Okay po Sir..." Magalang kong sabi at tuluyan na akong lumabas. Nakasimangot akong bumaba at nakita ako ni ate Jenneth.
"Oh... Anong mukhang 'yan? Anong nangyari?" Salubong nito sa akin.
"Wala ate..."
"May ginawa sayo si Sir no...?" Natatawa nitong sabi kaya mas lalo lamang akong napasimangot.
"Wala nga... Tara na nga." Nakasimangot kong sabi at hinila na siya papunta sa kusina. Natatawa pa rin ito at tila hindi ito naniniwala sa akin.
"Buti nandito na kayo, halina kayo at kakain na tayo." Sabi ni manang kaya agad na kaming kumilos at nag simula na kaming kumain.
Pagkatapos naming kumain ay pinauna na ako ni ate Jenneth sa kwarto kaya mag isa kong binabagtas ang daan papunta sa kwarto namin. Napatigil ako ng makitang makakasalubong ko si Sir. Agad akong kinabahan at nakaramdam rin ako hiya kaya agad akong tumalikod.
"Wait..." Narinig kong usal nito kaya napahinto ako at napapikit.
"Come here," sabi nito na nag pagulat sa akin kaya kahit na nahihiya ay humarap ako sa kanya.
"A-ano p-po 'yon sir?" Kinakabahan kong sabi.
"Come here," ulit nito at sinenyasan pa ako nito na lumapit sa kanya kaya agad akong lumapit sa kanya.
"May kailangan po ba kayo?" Sabi ko pero hindi manlang ito sumagot sa akin sa halip ay tinitigan niya lang ako kaya nag init ang pisngi ko. Baka may dumi ang mukha ko kaya siya tumititig sa akin.
"Take this..." Sabi nito sabay abot sa akin ng cream na para sa sugat.
"A-Ah... Wag na po, okay lang naman po yong braso ko." Sambit ko pero malamig lamang siyang tumitig sa akin kaya nanginginig na tinatanggap ko na lamang ito.
"Salamat po Sir--" hindi ko na natuloy ang sasabihin ko ng bigla na lang itong tumalikod sa akin. Kahit na nakaramdam ako ng pagkatampo sa kanya dahil sa mga ginawa nito sa akin ay hindi ko pa rin mapigilang mapangiti sa ginawa niya ngayon. Binigyan niya pa ako ng gamot para sa braso ko.
"Hays..." Bulong ko at bumuntong hininga. Naglakad na ako papunta sa kwarto at agad akong napasalampak dahil sa pagod.