Kabanata 2

1090 Words
Kabanata 2 Meet Nanginig ang mga tuhod ko nang makinang lumingon ulit ito sa akin at matiim itong nakatitig sa akin. "S-Sige po sir, pumapayag na po ako." Mahina kong sabi at nakita ko siyang napangisi pero sandali lamang ito. "Okay, you can go now." Malamig nitong sabi at umalis na ito sa aking harapan. Tumakbo agad ako papalabas habang kumakabog ng mabilis ang t***k ng puso ko. Pumasok agad ako sa aking silid at umupo sa aking higaan. Hinawakan ko ang aking dibdib ng mapansin na mabilis pa rin ang t***k ng puso ko. Hindi ko maipagkakaila na nakaramdam ako ng kaba nong makaharap si Sir. Napangiti ako nang maisip 'yung titig ni sir sa akin. Parang kinikilig ako, ewan ko ba sa sarili ko kung bakit ganon ang nararamdaman ko. Mabilis akong napatayo ng makitang pumasok sa silid ko si manang. "Anong sinabi ni sir? Okay ka lang ba? Hindi kana papaalisin dito?" Natataranta nitong tanong kaya hindi ko mapigilang matawa. "Okay lang po ako at Hindi niya na po ako papaalisin dito dahil magiging personal maid niya daw ako." sambit ko at napahinga naman ito ng malalim. "Hays Salamat naman---" bigla itong tumigil at tumingin sa akin. "A-Anong s-sinabi m-mo..?" Nauutal nitong sambit. "Magiging personal maid niya daw ako." Agad kong sabi at nakita kong nagulat ito. "Anong nakain ng batang 'yun? Ayaw non, ng may personal maid tapos ngayon pwede na?" Hindi makapaniwalang sambit kaya naguguluhan rin ako. "Ewan ko po." "Hays… Basta pag butihin mo nalang ang pagtatrabaho para hindi ka makaalis dito. Dadating na mamaya si Jenneth at may makakasama kana dito sa silid mo." sabi nito. "Sinong Jenneth po?" Tanong ko. "Yung isang kasambahay rin dito na nag bakasyon sa kanila last week kaya ngayon na siya dadating."  "Okay po, sige po." Nakangiti kong sabi. Buti nalang may makakasama na ako dito sa kwartong ito. Napapunta ako sa kusina ng makitang dumating na yata ang babaeng sinasabi ni manang kanina at tama nga ako dahil may dala itong mga gamit. "Buti nandito kana, na rito na si Jenneth." sambit ni manang at nakita kong lumingon sa akin ang babae. "Ikaw na ba si Azalea?" Masaya nitong sabi kaya tumango ako sa kanya. Nabigla ako ng bigla ako nitong niyakap at napansin kong may pagkakalog ang babae na ito. "Wag mo namang biglain si Azalea." Suway ni manang kaya napakalas ito sa akin at nag peace sign. "Sorry, Alam mo namang masayahin lang akong tao." Natatawa nitong sabi sabay hampas sa balikat ko kaya napa-aray ako dahil sa lakas nito. "Ano ba Jenneth!" Sigaw ni manang. "Okay lang po, manang." "Sorry... Hindi ko lang mapigilan ang sarili ko." sambit ni Jenneth. "Tama na yang sorry na yan! Pumunta kana sa kwarto mo at dalhin mo na itong mga gamit mo." "Salamat manang pero pwede ko bang isama si Azalea?" Pag mamakaawa nito kaya bumuntong hininga si manang. "Oo na! Siguraduhin mong itikom mo yang bibig mo, madaldal ka pa naman." sambit ni manang at nakita kong napasimangot si Jenneth. "Grabe naman kayo sa akin!" Pag mamaktol nito kaya napangiti ako. Hindi ito pinansin ni manang kaya nagulat nalang ako ng hinila na ako ni Jenneth. "Hays... Ang matandang 'yun talaga!" Nakasimangot nitong sabi. Nang makapasok na kami sa silid namin ay napatingin ako kay Jenneth. "Wala pa rin talagang pinagbago ang kwartong ito. Mabuti nalang may makakasama na ako dito." sambit nito sabay baling sa akin kaya ngumiti na lamang ako sa kanya. Napasunod ako sa kanya ng pumunta siya sa higaan nito na katabi sa akin at inilagay nito ang kanyang gamit. "Bakit ka ba nag bakasyon?" Tanong ko sa kanya at napansin kong napatigil ito. "Death Anniversary kasi ni tatay kaya kailangan kong umuwi sa probinsiya." Malungkot nitong sabi kaya nag sisi akong tanungin pa ito. "Oh... I-Im... Sorry, I didn't know..." Malungkot kong sambit. "Ano ka ba! Okay lang!" Natatawa nitong sabi at nasisiguro kong nalulungkot pa rin ito ngayon pero dinadaan nalang nito sa pag tawa. "Pero... Kasi---"  "Uyy! English 'yun ha... Saan ka natuto?" Natatawa nitong sabi kaya kinabahan ako. "A-Ah... C-College S-Student kasi ako pero natigil lang ako ngayon." "Talaga? Summer pa naman ngayon at may chance ka pang magpatuloy sa pag-aaral. Anong year ka na ba sa susunod?" Tanong nito. "3rd year."  "Oh… Ilang years nalang? Gagraduate ka na! Ipagpatuloy mo lang yan." Nakangiti nitong sabi kaya sinuklian ko rin siya ng isang ngiti. "Ikaw po? Nakapagtapos ka po ba?" Tanong ko sa kanya. "High school graduate lang ako at dahil na rin sa hirap ng buhay ay hindi ko na pinagpatuloy ang pag-aaral ko."  "Ah, Ilang ka na po ba?"  "Hmm... 25, ikaw?" "20 po." "Uyy... Ang bata mo pa, Tawagin mo nalang akong Ate. Okay ba 'yun?" Nakangiti nitong sabi. Napangiti ako dahil sa kanyang sinabi, wala akong babaeng kapatid kaya gustong gusto kong magkaroon ng isang ate. "Opo!" Masaya kong sabi kaya napangiti na rin ito.  Habang inaayos nito ang kanyang gamit ay nag kwentuhan muna kami at kinikwento nito ang lovelife experience nito. Napatawa ako sa mga kwento niya, hindi ako makapaniwalang ganoong babae talaga siya noon.  "Grabe, ate! Ganoon ka pala noon." "Hays... Alam mo namang ang ganda ko! Walang lalaking hindi nagkakagusto sa akin." Tumatawa nitong sabi. Namula ang aking pisngi ng ikwento rin nito ang mga ginagawa nila ng mga naging boyfriend nito. Wala akong alam sa mga ganitong bagay dahil hindi ko pa nararanasan ang magkaroon ng boyfriend. "Alam mo bang ginawa rin---" nakahinga ako ng maluwag ng tumigil ito. Hindi ko kinakaya ang mga sinasabi nito.  Sabay kaming napalingon ng pumasok si manang. "Azalea, tinatawag ka ni sir, pumunta ka muna doon." Sambit nito at umalis na. "Uyyy... Tinatawag siya!" Panunukso nito sa akin kaya naramdaman kong nag-init ang pisngi ko. "A-Ano ka ba naman ate!" "O siya, pumunta ka na doon at baka magalit pa 'yun." sambit nito kaya tumayo na ako. Lalabas na sana ako ng pinigilan ako ni Ate. "Wait... Ingat ka 'don kay Sir, baka mahulog ka sa kagwapuhan niya." Natatawa nitong sabi kaya napasimangot ako.  Agad na akong lumabas at tinahak na ang daan papunta sa kwarto ni Sir. Hindi ko rin mapigilang kabahan dahil makikita ko na naman siya. Mahihimatay yata ako kapag nakitang tumitig ito sa akin. Agad ko ring binura ang mga iniisip ko dahil hindi naman mangyayari 'yun. "S-Sir..." Tawag ko sa kanya. "Get inside." narinig kong tugon nito kaya bago ako pumasok sa silid nito ay Huminga ako ng malalim. "This is it." Bulong ko at pumasok na.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD