Kabanata 1
Personal Maid
Dahil sa pagtatagpong 'yun ay hindi na ako sumubok na magpakita kay sir dahil alam kong maiirita ito sa akin pag makita ako lalong lalo na dahil bago palang ako.
"Azalea, halika nga dito may ipapagawa ako sayo." Sabi ni manang kaya agad akong lumapit sa kanya.
"Ano pong ipapagawa ninyo sa akin?" Tanong ko kaya tumingin ito sa akin.
"Linisin mo yung swimming pool at gagamitin 'yun ni sir mamaya. Linisin mo nang maigi at agad ka nang umalis kapag na linis mo na." sambit nito kaya tumango na lamang ako. Hindi ako pwedeng makita ni sir dahil nalaman ko na ayaw ni sir na may nakikita siyang kasambahay maliban kay manang dahil matagal na ito dito.
Tumulak na agad ako doon at agad na nilinis 'yun. Medyo mahirap rin dahil tinatanggal ko lahat ng dahon na nahulog. Nang masiguro kong maayos na at malinis na ay inaayos ko na agad ang mga gamit at aalis na sana ako nang marinig ko na may paparating.
Nakita ko si sir at wala itong suot na pang itaas kaya napatulala ako. Napaatras ako ng matalsikan ako ng tubig dahil sa pag langoy ni sir. Ngayon lang pumasok sa isip ko na hindi pala ako pwedeng makita ni sir kaya kahit na nanginginig ang aking kamay ay agad kong dinala ang mga gamit at agad na lumakad.
Npatigil ako ng marinig ko itong nagsalita kaya bumilis ang t***k ng puso ko.
"Stay here," matigas nitong sabi kaya mas lalong bumilis ang t***k ng puso ko. Alam ko namang ako ang tinutukoy niya kaya agad akong bumalik at puwesto sa gilid.
Sinulyapan ko na lamang siya habang lumalangoy ito. Namula ang aking pisngi ng makita ko ang muscle nito at nasisiguro kong matigas ito kapag hahawakan kaya napangiti ako sa aking iniisip.
Napatalon ako sa gulat nang umahon na ito kaya kitang kita ko ang katawan nito. Namula ang aking pisngi ng makitang may abs ito at parang ang tigas ng pangangatawan nito.
"Bring my towel" matigas nitong sabi na nagpabalik sa sarili ko. Nanginginig kong kinuha ang towel nito at inabot ko ito kaagad sa kanya.
"Tsk..." Naiiritang sambit nito, napansin yatang nanginginig ang kamay ko kaya agad kong itinago ang aking kamay sa likod at yumuko na lamang ako sa gilid.
"After this, you need to tell manang that I need her, I have something to tell her about this pathetic maid." Malamig nitong sabi. Hindi naman nito sinabi na ako 'yun pero para sa akin ako ang tinutukoy nito. Bigla akong napatingin sa kanya at hindi makapaniwalang sinabi niya 'yun. Tatanggalin niya na ba ako dito o baka ayaw niya lang talaga sa akin.
Bigla itong tinapon sa akin ang towel na ginamit nito at saka agad itong umalis. Ang ganda ng katawan nito at hubog na hubog ang muscle nito.
Napansin kong napaluha ako sa sinapit ko. Ang sakit naman ng sinabi ni sir sa akin at parang nadurog ang puso ko sa sinabi niya.
Bumuntong hininga ako at agad na akong pumunta sa kusina upang sabihin kay manang ang pinapasabi ni sir.
"Manang, pinapatawag po kayo ni sir..." sambit ko sa kanya. Napalingon ito sa akin at napansin yata nitong namumula ang aking mata.
"W-Wag mong sabihin na nahuli ka ni sir?" Kinakabahan nitong sabi kaya agad na lamang akong tumango.
"Ano ka ba naman sabi ko naman diba sayo na umalis ka na agad kapag napansin mong nandoon na si Sir!" galit nitong sabi at hindi na ito pinaringgan ang sasabihin ko nang agad na itong umalis kaya bumuntong hininga na lamang ako.
"Ang malas mo talaga Azalea!" Bulong ko habang umiiyak. Ano nalang ang sasabihin nila nanay kapag umuwi ako kaagad ako sa probinsiya.
Ang tanga ko talaga.
Pumunta na lamang ako sa aking silid at pinagmasdan ito. Hindi na yata ako magtatagal dito kaya kailangan ko nang ihanda ang mga gamit ko at baka mamaya pauwiin na ako ni manang.
"Azalea!" Napatigil ako sa pagliligpit nang sumigaw si manang at pumasok ito sa aking silid.
"M-Manang..." Kinakabahan kong sabi.
"Pumunta ka sa silid ni sir at may sasabihin siya sayo." gulat na napatingin ako sa kanya.
"A-Ako p-po?" Nauutal kong sambit, hindi ako makapaniwalang tatawagin ako ni sir.
"Oo at Dalian mo dahil hinihintay kana niya. Tandaan mo, sagutin mo ng maayos ang tanong ni sir para hindi ka maalis dito, maliwanag ba?" Sambit nito at napangiti ako.
"Opo, gagawin ko po 'yun!" Nakangiting sambit ko at agad na akong pumunta sa silid ni sir.
"S-Sir..." Tawag ko sa kanya habang kumakatok sa silid nito.
"Get inside." rinig kong sambit nito kaya unti-unti kong binuksan ang silid at pumasok na.
Nakita ko agad siya na nakaupo sa kanyang kama kaya bumilis ang t***k ng puso ko nang makita siya. Napaatras ako ng konti ng makitang lumalapit siya sa akin.
"M-May k-kailangan p-po k-kayo...?" Nauutal kong tanong. Kinakabahan ako sa kanya at hindi ako mapakali.
"You need this job, right?" Matigas nitong sabi na nag pakaba sa akin.
"O-Opo..." Nauutal kong sagot. Tumitig ito sa akin at hinawakan ang aking mukha kaya Napaatras ako at namula ng husto ang aking mukha.
"Look at me when I talk to you, alright?" matigas nitong sambit kaya napatitig ako sa kanya.
"O-Okay..." Nauutal kong sambit at doon lamang ako nakahinga nang binitiwan na nito aking mukha at tumalikod ito sa akin.
"You are now my personal maid." sambit nito at gulat na tumitig sa kanyang likod.
"P-Personal m-maid...?" Nauutal kong tanong habang kinakabahan.
"Yes" malamig nitong sabi kaya parang nanlumo ako sa narinig ko. Hindi ko nga kinakaya kapag nasa malapit siya, personal maid pa kaya? Pero kung ito lang yung paraan upang manatili dito ay gagawin ko.