- Trishienna Enriquez - Nalaglag ang panga ko sa mga bagay na ibinaba niya sa mesa. Color pencils at printed coloring images. Seryoso ba siya? Ano siya, bata? Hindi ko alam kung matatawa ako o ano. Nakaupo ako sa sahig ng condo niya at nakapatong ang dalawang kamay sa center table. Nagce-cellphone ako kanina bago siya dumating at ngayon, eto na nga... A man and a woman in one place, alone, with the silence of the day... Can you imagine that? Tapos ang gagawin namin, magkukulay? We're not even kids nor teens to begin with! "Are you serious?" Gulantang na tanong ko. Hindi naman ako disappointed, more on natatawa pa ako. Umiling-iling ako. "Painting would have been mature-like." Umupo siya sa tapat ko, nasa pagitan namin ang center table. "Maganda kaya mag-coloring. Nakakawala ng st