21

2059 Words

Pagkatapos kumain ay siya rin ang naghugas ng pinagkainan namin. Biniro ko pa siya dahil hindi ko alam na gumagawa pala siya ng gawaing bahay. Nanood kami ng movie pagkatapos pero nauwi rin sa kwentuhan. Nag-order kami ng ice cream dahil pareho kaming nag-ce-crave at pagkatapos ay sabay na nakatulog. "Dinner muna tayo," sabi niya at ngumuso. I grinned. "Ang clingy mo naman, sir, nabigyan ka lang ng concert ticket, eh." Pabiro niya akong inirapan. Nakasandal siya sa sasakyan niya at para kaming tanga pareho na nakatayo sa parking lot ng condominium building niya. Ayaw pa umalis, eh, nangungulit pa na mag-dinner kami sa labas kaso kanina pa text ng text ang OA ko na kaibigan kaya hindi ba ako p'wede magtagal. "Ang sungit mo naman, ma'am, dinner lanh, eh." Hinampas ko siya at inismiran.

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD