"Kanina pa nagri-ring yung phone mo, Trish," reklamo ni Rowena dahil hindi siya maka-concentrate sa pinapanood. "Baka emergency, girl," sabi naman ni Ysa at umupo sa tabi ko. Bumisita kami sa bagong kasal naming kaibigan. Kauuwi lang kasi niya galing sa dalawang buwan niyang honeymoon, big time ba naman ang napang-asawa. They explore Europe together. Kailan kaya ako makakapunta roon? Ysa looks glowy. Maganda na siya noon pa man lalo na't medyo mahinhin kaya lalong nagmumukhang anghel pero iba ang awra niya ngayon. Hindi na ako magtataka kung ilang linggo mula ngayon ay ibabalita niya sa aming buntis siya. "Wala lang iyan. Mga scam calls," paliwanag ko bago in-off ang phone. Those are from Kier. Alam ko dahil dalawang araw na niya akong tine-text at tinatawagan pero hindi ko sinasagot.