"Trishienna Enriquez, right?" tanong ni Rommel Ford matapos niyang punasan ng tissue ang labi niya kahit wala namang dumi. Rich people things. "Yes... po." Was I still mad at him? Ayaw kong maging malapit sa kanya, patuloy na hindi magiging maganda ang imahe niya sa akin, pero aaminin ko na hindi na ako galit na galit na katulad ng dati. "Saan ka naman nagwo-work, hija?" he asked again. "May flower shop siya, dad," singit ni Kier kahit na hindi naman siya ang kinakausap. "Mahilig siya sa mga bulaklak saka mag-arrange. It's her passion project and also doon na rin siya kumukuha ng pera para sa pang-araw-araw." Rommel smirked at his son. "Mukhang madami ka nga'ng alam tungkol sa kanya, anak." Kier's ears turned red. Kitang-kita ko iyon dahil katabi ko siya. Gusto kong matawa pero pini