Panay ang sigaw ni Maria sa bawat putukang naririnig niya. Natapilok pa nga ito at napasubsob dahil sa kakatago at kakatakbo nila.
"Alisin niyo na kasi ang gapos ko para makakilos ako nang maayos!" Singhal ni Maria sa dalawang babae dahil sa kanyang inis.
Masakit kaya ang kanyang nguso at dibdib sa pagkakadapa nito dahil hila-hila siya ng dalawang babae. Nagkatinginan naman ang dalawang babae na tila nag- atubili pang sundin ang sinabi ni Maria.
"Ano na? Hihintayin niyo pa bang mabali lahat ng parte sa katawan ko bago niyo ako kalagan?" Pandidilat pa ni Maria sa dalawa.
Napabuntong-hininga naman si Mimi at sinenyasan niya si Lala na kalagan na si Maria. Tumango si Lala at mabilis nitong kinalagan si Maria habang panay naman ng palitan ni Mimi nang putukan sa kanilang mga kalaban.
"Salamat naman," wika ni Maria nang maalis na ang kanyang gapos.
"Magtago ka sa likuran namin kahit anong mangyari huwag ba huwag kang aalis." Bilin ni Lala kay Maria.
Tumango si Maria at nagtago nga ito sa likuran ng dalawang dalaga. Mailap ang mga mata ni Maria sa buong paligid kahit pa nanginginig ang buong katawan nito sa magkakahalong emosyong kanyang nararamdaman. Bagaman ninenerbiyos si Maria ay pinipilit niyang pinapagana ang kanyang utak sa mga sandaling iyon. Dahil iyon na lamang ang perfect timing na makakatakas siya mula sa kamay ni Anghel. Bahala na, napausal nang dasal si Maria na sa kanyang pagtakas ay hindi ito matamaan nang ligaw na bala.
"Lala nasaan si Maria!" Sigaw na tanong ni Mimi nang mapalingon siya sa kanyang katabi.
Mabilis namang nilingon ni Lala si Maria na nakakubli sa kanyang likod ngunit wala na pala ito.
"Bullsh*t! Saan siya nagpunta nandito lang siya kanina," malutong na mura ni Lala.
"Malilintikan tayo kay boss buwisit pasaway talaga ang babaeng iyon!" Bulalas naman ni Mimi sabay kalabit sa gatilyo ng kanyang baril at napuruhan nito ang kalaban.
Biglang nag-iba ang mga galaw at kilos ng dalawa mula sa mahinhin at parang inosente hanggang sa matigas at palaban nilang aura. Napagkasunduan nilang maghiwalay ng direksyong tatahakin upang hanapin nila si Maria.
Habang si Maria nang makakita ito ng pagkakataon na hindi siya mapapansin nina Lala at Mimi ay mabilis itong gumapang palayo sa dalawa. Patago-tago ito habang palipat-lipat ng puwesto. Pilit nitong pinapatalas ang kanyang mga mata kung saan banda siya puwedeng lumabas ng nasabing bahay. Nang makita nitong nakabukas ang pinto sa may likod papuntang dulo ng nasabing bakuran ay napatakbo siya. Nagkaroon ito ng pag- asa na makakatakas mula sa impiyernong lugar na iyon. Hindi nito inalintana ang panganib sa kanyang paligid ang mahalaga sa kanya sa mga sandaling iyon ay ang makalayo sa nasabing lugar.
Inakyat ni Maria ang pader mabuti na lamang at marunong siyang umakyat sa punong- niyog ang iba pa. Nahirapan siya subalit natawa nang makatalon siya mula sa kabila kasabay ng pag- agos ng kanyang mga luha. Wala siyang sinayang na sandali matulin siyang tumakbo, walang lingon-likod. Naka- pokus lang siya sa daang kanyang tinatahak at ang kanyang tawa ay napalitan ng isang matamis na ngiti. Gumaan unti-unti ang kanyang dibdib, malaya na siya! Nagawa niyang makatakas sa lungga ni Anghel at nagpapasalamat siya sa mga taong nanlusob sa bahay nito. Dahil kung hindi sa kanila ay hindi siya mabibigyan ng pagkakataong tumakas at makalaya.
"What?! Hindi niyo mahanap si Maria? Papaano nangyari iyon kung ang sabi niyo ay nasa likuran niyo lamang siya!" Galit na galit si Anghel halos mapatid ang litid sa leeg nito.
Lahat ay nakatungo, may mga sugatan kasama na sina Lala at Mimi kaya hindi nila naabutan si Maria. Good thing at nakatawag sila agad ng back up kaya walang nalagas sa kanila.
"Sorry boss ," magkakasabay na sabi nang lahat.
Halos mabingi sila sa pagpapaputok ni Anghel sa kanyang baril. Nag- iigting ang mga panga nito at nagkakaumpugan ang kanyang mga ngipin. Kapagkuwan ay mariin itong napapikit halatang kinakalma nito ang sarili.
"Hanapin niyo siya! Kahit saang lupalop ng lupa siya naroon naiintindihan niyo ba? Akin lang si Maria, akin lang siya!" Pasigaw ngunit mariing wika nito sa nag- aapoy na kanyang mga mata.
"Masusunod boss!" Sabay-sabay na sagot ng lahat at kumilos na ang iba upang ipagpatuloy ang paghahanap kay Maria.
"Hindi niya gamay ang lugar na ito, tiyak malilito siya at hindi makakalayo nang ganoon lamang. Ang iba, balikan ang kanyang Tiyuhin at magmanman doon baka bumalik siya. Iyong iba sa kanyang mga kaibigan at sa bahay ng kanyang kasintahan!" Muling bilin pa ni Anghel.
"Gab, paano ang mga sugatan?"
Tanong naman ni Pilo.
Marahas na humarap si Anghel kay Pilo at sinampal niya ito.
"Ilang beses ko bang sasabihin sa'yo na huwag na huwag mo akong tatawagin sa tunay kong pangalan?" Galit nitong sita.
Napatungo naman si Pilo hindi nito namamalayang nabigkas pala niya ang tunay na pangalan ng kanilang Amo. Mahigpit na ipinagbabawal iyon ni Anghel lalo na sa harapan ng ibang tao. Subalit iyon na kasi ang nakasanayan nilang lahat kung kaya't naninibago pa rin sila hanggang sa mga oras na iyon.
"Pasensya ka na boss, hindi na mauulit pa." Hinging paumanhin ni Pilo.
"Talagang hindi na mauulit pa dahil puputulin ko na ang iyong dila kapag inulit mo pa." Pagbabanta ni Anghel.
Tumango-tango naman si Pilo.
"Ang mga sugatan dalhin kay Dok Wally ngayon din." Kapagkuwan ay bilin ni Anghel.
Mabibilis namang kumilos ang iba pa, kinuha naman ni Anghel ang mobile phone nito at nag- dial. Lumayo ito nang bahagya sa kanyang mga tauhan nang sumagot na ang taong kanyang tinawagan.
Samantala, pagod na pagod na si Maria sa kanyang kakatakbo. Uhaw na uhaw na din ito at hinihingal hindi kasi ito huminto maski saglit sa kanyang pagtakbo makalayo lamang siya sa bahay ni Anghel. Kabundukan ang una niyang natungo ngunit nasulyapan niya ang kanyang kaliwa at tila may naaninag siyang kalsada kaya nag- iba siya ng direksyon. At hindi nga ito nagkamali kalsada iyon at alam niyang madalang lang mga nadaan na sasakyan. Subalit sinubukan niya pa ring maghintay sa pamamagitan ng paglalakad niya nang mabagal. Palingon-lingon siya sa kanyang likuran baka sakaling may sasakyang darating. Maski sa kanyang harapan ang mahalaga sa kanya ay makasakay at makalayo nang tuluyan sa kanyang pinanggalingan.
Tumigil saglit si Maria at inisip niyang mabuti kung saang direksyon ba talaga siya dapat papunta at mag- abang ng kanyang sasakyan. Napausal siya ng dasal at humingi ng tulong mula sa Diyos at ituro sa kanya ang tamang daan pabalik sa kanilang lugar. Nabuhayan nang loob si Maria nang makita nitong may paparating na sasakyan agad niya itong pinara. Talagang tumayo siya sa gitna para no choice ang driver kung hindi ang huminto.
"Manong please tulungan niyo po ako puwede po ba akong makisakay sa truck niyo?" Pagmamakaawa ni Maria sa driver ng truck.
Naglalaman iyon ng mga gulay at prutas malamang dadalhin ito sa mas malawak na pamilihan.
Nag- alangan ang driver at tiningnan pa si Maria mula ulo hanggang paa. Matanda na ang driver natanaw din ni Maria na mat kasama din itong matandang babae.
"Hindi ho ako masamang tao nagmamakaawa po ako sa inyo. Kinidnap po ako at nakatakas hindi ko alam kung anong lugar ito." Napaluha nang sabi ni Maria.
Nakita nang dalaga na nagkatinginan ang marahil ay mag- asawa. Saka malungkot na muling tumingin ang matandang lalaki kay Maria.
"Saang lugar ka patungo?" Tanong ng matanda.
"Sa San Sebastian po," mabilis na sagot ni Maria.
"Doon din ang punta namin magde-deliver sa bayan." Tugon ng matanda.
Anong tuwa ang nadama ni Maria dininig ng Diyos ang kanyang panalangin.
"Sumampa ka na sa likod magtago ka doon may check point kasi diyan malapit dito bago natin malagpasan ang lugar na ito." Sabi pa ng matanda kay Maria.
"Talaga po?! Maraming salamat po hulog kayo ng langit," tuwang-tuwang bulalas ni Maria at nagmadali na itong sumampa sa likod ng truck.
Itinalukbong niya sa kanyang sarli ang trapal na naroon at sumiksik siya sa pagitan ng mga basket at kung ano- ano pang naroon. Sinigurado ni Maria na hindi siya makikita ng sino man sa likod ng truck. Nang maramdaman ni Maria na umandar na ang truck ay saka pa lamang ito nakahinga nang maluwag. Kasabay nang pagpunas niya sa kanyang mga luha ay sumilay ang ngiti sa labi niya kalakip ang pag- asang sana ay hindi na siya matagpuan pa ni Anghel kahit na kailan.