Napadilat si Maria nang may kumalampag sa gilid ng truck. Hindi nito namalayan na nakaidlip pala siya sa kanilang biyahe. Dahan- dahang inalis ni Maria ang trapal na nakabalot sa kanyang katawan.
"San Sebastian na tayo hija, bumaba ka na diyan. Hanggang dito na lamang ang aming maitutulong sa'yo!" Boses ng driver ng truck.
Napangiti si Maria at mabilis itong bumaba mula sa truck.
"Maraming-maraming salamat po sa inyo! Papaano ako makakabawi sa kagandahan ng inyong kalooban?" naluluhang sabi ni Maria aa mag- asawa.
Ngumiti naman ang mag- asawa kay Maria at tinapik ang kanyang balikat.
"Walang ano man hija mamuhay ka nang matiwasay at ligtas ay siya ng bayad mo sa amin. May anak din kaming kagaya mo kaya ramdam namin ang iyong pinagdadaanan!" Sagot ng matandang babae.
Tuluyan nang napayakap si Maria sa mag- asawa kasabay nang paglaglag ng kanyang mga luha.
"Napakabuti niyo ho, pagpalain kayo ng Diyos nang mas maraming blessings po!" Luhaang wika ni Maria.
Ngumiti ulit ang mag- asawa at tumango-tango ang mga ito.
"Sige ba hija lumakad ka na at nang makauwi ka na sa inyo. May pamasahe ka ba?" May pag- aalalang tanong ng matandang babae.
Natigilan si Maria naalala niyang wala pala siyang pamasahe papunta sa kanilang baryo. Kailangan niyang bumalik doon upang kumuha ng kanyang mga gamit bago siya tuluyang magpakalayo-layo sa San Sebastian. Iyong lugar na walang nakakakilala sa kanya para sa panibagong yugto ng kanyang buhay.
"Ito hija pamasahe mo pasensya ka na at hindi pa kami nakakatinda kaya maliit lang iyan." Untag ng matandang babae kay Maria.
Ngumiti naman si Maria ngunit muli na naman itong napaluha sa kabutihan ng mag- asawa.
"Sana po isang araw mag- krus ang ating mga landas upang makabawi ako sa inyo muli maraming-maraming salamat po." Aniya at kinuha na niya ang perang ibinibigay ang mag- asawa sa kanya.
"Okay lang hija, sige na lumakad ka na!" Sagot naman ng matandang lalaki.
Napasinghot si Maria at tumango muli itong nagpaalam sa mag- asawa at mabilis na siyang naghanap ng tricycle na kanyang sasakyan papuntang baryo nila.
"Baryo Makilang po," sabi Maria sa driver nang makasakay na siya.
Inarkila na niya ang tricycle at hindi iyon uusad hanggat hindi napupuno ang mga upuan. Kay lawak naman nang ngiti ng driver dahil jackpot na siya sa isang biyahe lamang. Mabilis lang silang nakapasok sa baryo Makilang halos takpan ni Maria ang kanyang mukha upang walang makapansin sa kanya na kakilala siya. Nag- iingat lamang siya at baka may tumimbre sa grupo ni Anghel ay matunton siya doon at ibalik siya sa lalaki. Kailangan ding bilisan ni Maria ang mag- alsa balutan paalis sa kanilang baryo dahil alam niyang magpapadala si Anghel ng mga tauhan nito upang hanapin siya doon. Kailangan niyang makuha ang kanyang ipon sa kanilang bahay iyon ang gagamitin niyang magbagong buhay sa malayong lugar.
Dahan- dahang lumapit si Maria sa kanilang bahay at baka naroon ang kanyang salbaheng Tiyuhin. Napasinghap pa si Maria nang makita niya ang kanyang Tiyo Fidel na nakahilata sa may sofa at mukhang lasing. Mabuti na lamang at sa likod ng kusina dumaan si Maria buong ingat itong naglakad patungo sa kanyang kwarto. Kailangang mabilis lang siya at naghihintay ang inarkila niyang tricycle sa may hindi kalayuan. Patingkayad kung maglakad si Maria hanggang sa loob ng kwarto niya, nahigit niya ang kanyang hininga pagkabukas niya ng pinto. Parang bagyo lang ang mga kilos ni Maria sa pagkuha nito ng kanyang mga gamit. Ang pinakamahalaga niyang kukunin ay ang kanyang mga id's, pera, at kung ano-ano pang personal belongings niya. Hindi na siya magdadala ng maraming damit at bibili na lang siya. Nagpalit din siya ng kanyang damit para hindi siya agad makikilala ng mga taong naghahanap sa kanya.
"Ang magaling kong pamangkin nagbalik na. Mabuti naman at pinayagan ka ni Mr. Smith." Mula sa likuran ni Maria ay nagsalita ang Tiyo Fidel nito.
Napakislot pa ang dalaga dahil papatapos na sana ito sa kanyang pag-aalaa balutan. Humarap naman si Maria sa kanyang Tiyuhin na puno nang poot ang kanyang nararamdaman.
"Napaka- walang hiya mong Tiyuhin at nagawa mong ibenta ang sarili mong kadugo! Pare -parehas kayong lahat, mula kay Tiya, ang anak niyong adik at manyakis!" Galit na galit na sabi ni Maria.
Natawa naman ang Tiyuhin ni Maria na parang nahihibang.
"Huwag ka ng magbanal-banalan Maria hindi na uso 'yan. Ang mahalaga ay pera, alam mo ba 'yon? Ngayon pamangkin puwede na ba kitang matikman? Alam kong hindi ka na virgin noon pa kita gustong tikman!" Nakangising tugon ni Fidel sa dalaga.
Parang nanririnarim ang pakiramdam ni Maria sa sinabi ng kanyang Tiyuhin at hindi niya namalayang nasampal niya ito.
"Dugyot kayo! Kung buhay lamang ang aking mga magulang baka napatay na nila kayo dahil sa kaitiman ng inyong budhi!" Galit na singhal ni Maria.
Nanlisik naman ang mga mata ni Fidel at sinugod niya si Maria upang sibasibin ng mga halik at yakap. Para itong ulol na aso at gustong lapangin nang mabilisan ang pagkaing nasa harapan nito.
"Bitawan mo akong hayup ka!" Sigaw ni Maria at pilit nitong dinepensahan ang kanyang sarili.
"Sige na Maria kahit isang beses lang at nang matahimik na ang aking kalibugan sa'yo. Hindi mo alam kung gaano ako nauutugan sa'yo noon pa man amoy mo pa lang alam kong ikaw na ang dumating!" Nababaliw na sabi ni Fidel habang yakap-yakap niya si Maria at nakatayo na ang batuta nito sa harapan na ikinikiskis nito sa harapan ng dalaga.
Nanayo naman ang mga balahibo ni Maria nang maramdaman niya ang naninigas na ari ng Tiyuhin nitong bumubunggo sa kanyang harapan dahil nakabukaka siya. Nakaharang ang dalawang hita ng Tiyuhin nito sa kanyang mga legs sinakal din siya ni Fidel at pilit hinahalikan sa labi. Kinagat naman ni Maria ang bibig ng kanyang Tiyuhin saka mabilis niya itong tinuhog sa ari nito at napaigtad si Fidel sa matinding sakit. Sinamantala iyon ni Maria at ubod lakas niyang itinulak ang kanyang Tiyuhin at tumama ang ulo nito sa gilid ng mesa. Bumagsak si Fidel na walang malay habang si Maria ay nanginig ang buong katawan sa pag- aakalang napatay niya ang kanyang Tiyuhin.
"Hindi ko sinasadya pero kung ito ang paraan upang makatakas ako dito patawarin niyo ako Tiyo." Nangangatal na sabi ni Maria sabay balong ng kanyang mga luha.
Mabilis nitong kinuha ang kanyang back pack at shoulder bag at lumabas ng kwarto. Baka maabutan pa siya ng kanyang Tiyahin ipahuli pa siya sa mga pulis ayaw niyang makulong tatakas siya. Palabas na sana si Maria sa likod ng kusina nang masulyapan niya ang mga susi ng sasakyan ng kanyang Tiyuhin tutal may lisensya naman siya ay tatangay na lamang siya ng isa sa sasakyan nito. Inabot ni Maria ang susi ng itim na kotse ng kanyang Tiyuhin at hindi sinasadyang natabig niya ang maliit na cabinet doon at nahulog ang mga nakataling maraming pera. Naisip ni Maria na baka iyon ang bayad ni Anghel sa kanyang Tiyuhin kumuyom ang mga kamao nito. Tutal ay marumi na rin lang siyang babae walang masama kung siya na ang gagamit sa perang pinagbentahan sa kanya. Inilagay lahat ni Maria ang mga pera sa loob ng kanyang bag at shoulder bag saka na ito tuluyang lumabas. Ang planong pagtangay ni Maria sa isang sasakyan ng kanyang Tiyuhin niya ay hindi na nito itinuloy at baka mas mahanap siya ng mga tauhan ni Anghel. Iniwan niya ang susi sa ibabaw ng sasakyan at patakbo na itong lumabas ng gate patungo sa inarkila niyang sasakyan. Nakasuot na din siya ng jacket na may hoodie at pinatungan niya ng puting sumbrero. Sa pamamagitan man lang ng ganoon niyang attire ay mahirap siyang makikilala ng mga taong gustong kunin siya ulit kung mayroon man.
Muling nakabalik si Maria sa bayan ng San Sebastian at mabilis nitong tinungo ang bus terminal papuntang Manila. Naisip niyang bahala na si batman kung ano ang magiging kapalaran niya doon ang mahalaga ay makalayo siya ng San Sebastian sa lalong madaling panahon.
"Ito ho ba ang bus na papuntang Manila?" tanong ni Maria sa lalaking naka- uniporme na katulad sa kulay ng bus.
"Oo! Saan ka ba, Sampaloc o Cubao?" Sagot ng lalaki.
Napaisip naman si Maria dahil wala siyang alam na lugar sa Manila. Ni wala siyang napuntahan maski isa naririnig niya lang o 'di kaya ay napapanood sa television.
"Alin ba ang aalis na?' Natanong ng dalaga at doon na siya sasakay.
"Sampaloc na ang aalis mamaya hinihintay na lang 'yong dalawang pasahero na nagpa-book." Tugon ng lalaki.
"Sige doon na ako saan ako puwedeng magbayad?" Mabilis na turan ni Maria.
"Akin na at bibigyan kita ng pay slip at number ng upuan mo." Sagot ng lalaki.
Mabilis na dumukot si Maria ng dalawang libo mula sa kanyang ipon sa loob ng kanyang shoulder bag. Nagbigay siya ng dalawang libo sa lalaki at sinabi nitong kanya na ang sukli basta aalis na sila agad doon kapag dumating ang kanilang hinihintay.
"Sure galante ka ah! Ay heto na pala ang mga hinihintay natin Miss, ako ang konduktor nitong bus." Tuwang-tuwa ang lalaki.
Nakahinga naman nang maluwag si Maria umaayon sa kanyang ang tadhana. First time niya iyon naranasan ang lahat ng kanyang hinahangad sa bawat kilos niya ay natutupad. Kahit papaano ay nagkaroon nang pag- asa si Maria na makakapag- panibagong buhay siya sa malayong lugar. Mas natuwa si Maria nang makuha na niya ang number seat niya. Mabilis itong sumakay sa loob pagkatapos niyang bumili ng kanyang tubig at biskwit pampahid- gutom niya at uhaw. Sumandal siya sa kanyang upuan at pumikit unti- unting napanatag ang isipan at puso nito lalo na nang umandar na ang bus at nagsimula na nilang lisanin ang San Sebastian.