C-7: A New Chapter Of Her Life

1516 Words
"Miss, terminal na tayo!" Ang konduktor ginigising na niya si Maria na napasarap ng kanyang tulog sa buong biyahe. Noon lang kasi muling napanatag ang kalooban nito sa tanang ng kanyang buhay. Agad namang nagmulat si Maria at umayos ito nang upo. Pagtingin niya sa loob ng bus ay nagsisibabaan na ang mga katulad nitong pasahero. "Manila na ba tayo Kuya?" tanong nito sa konduktor. "Oo! Sampaloc terminal na ito, saan ka ba pupunta? Mukhang ngayon ka lang nakaapak dito sa Manila ah!" Sagot ng konduktor. Naging mailap ang mga mata ni Maria hanggat maaari ayaw niyang may makaalam na bagong salta lang siya sa Manila. "Hindi naman Kuya! Nanibago lang ako dahil matagal na 'yong huling kong pasyal dito." Pagkakaila ni Maria. "Kailan ba 'yon? Marami na talagang nagbago dito, iyang back pack dapat ilagay mo sa iyong unahan dahil kung hindi mabubutas iyan na hindi mo namamalayan. Saka paka-ingatan mo ang iyong shoulder bag baka mamaya matangay 'yan kawawa ka!" Saad ng konduktor. Napakurap-kurap naman si Maria lihim itong nagpapasalamat at mabait ang konduktor. Tila may malasakit ito sa mga pasahero nila kahit papaano ay medyo nawala ang matinding kaba sa dibdib ni Maria. "Salamat Kuya!" Sagot ni Maria at tumayo na ito. "Huwag mong ipapahalatang bagong salta ka dito tiyak ikaw ang puntirya ng mga mandurukot at snatcher. Kapag nagka-problema ka hanapin mo lang ako dito sa bus terminal at nang makabalik ka ulit sa San Sebastian!" Wika pa ng lalaki. "S-Sige Kuya salamat ulit," nautal namang sagot ng dalaga at tuluyan na siyang bumaba. Pagkababa ni Maria ay napagmasdan niya ang Manila. Napaka-ingay, kahit madaling araw pa lamang ay madami ng mga tao at mga sasakyan. Napapaisip siya kung saan siya pupunta at tutuloy pansamantala. As in nangangapa pa talaga siya sa dilim lalo na sa bagong lugar na kinatatayuan niya ngayon. "Kung may selpon ka huwag mong hawakan sa maraming tao, may nanghahablot din ng ganyan. At kung mapera ka, mas mabuti sa hotel ka manuluyan para iwas scam ka dito." Untag nang konduktor kay Maria na sumunod pala sa baba. Napatingin naman si Maria sa konduktor at natitigan niya ito. "Ako nga pala si Wilmer, Wil for short. Sa ganda mong iyan lalapit din mga manggagahasa at manayakis sa'yo marami dito kaya mag-iingat ka." Sabi pa nito. Napalunok naman si Maria pero tumango ang dalaga. "Ahm...may alam ka bang malapit na hotel dito?" Naglakas loob si Maria na magtanong "Nakikita mo ba ang matayog na building na iyan?" Tanong naman ng binata. Marahang tumango si Maria nang makita nito ang itinuturo ni Wilmer na hotel building. "Iyan ang pinaka-malapit dito sa terminal tumawid ka lang. Alam mo naman siguro kung papaano tumawid sa may pedestrian lane papunta diyan sa building." Wika ni Wilmer. Ngumiti naman si Maria, aaminin niyang ignorante siya sa Manila kahit pa nakikita na niya ang pedestrian lane sa mga napapanood niya. Sa San Sebastian ay mayroon din itong pedestrian lane na tawiran kaya kakayanin naman niya sa bagong lugar niya. "Sige salamat ulit," kiming tugon ni Maria at humakbang na siya palayo kay Wilmer. Pinag-aralan muna ni Maria ang mga taong tumatawid papunta sa naturang hotel building. Minamanmanan niya ang bawat ginagawa nila lalo na pagdating sa pagtawid niya sa pedestrian lane. Kailangan niyang maging wais at matatag dahil walang ibang tutulong sa kanya kung hindi ang kanyang sarili lamang. Katunayan nga ay gusto niyang magtiwala kanina kay Wilmer, ang konduktor pero nadala na siya. Napakabait niya siguro masydong kaya nangyari ang lahat ng kamalasan sa kanyang buhay. Inipon ni Maria ang lahat ng kanyang lakas at nakisabay na siyang tumawid sa mga taong katabi niya. Kagaya nang sinabi ni Wilmer sa kanya nagkunwari siyang matagal na siya sa Manila. "Hello Ma'am kukuha po sana ako ng room," bati ni Maria sa dalawang receptionist na nasa bungad. Tiningnan siya ng dalawang babae mula ulo hanggang paa. Parang naaasiwa si Maria sa paraan nang pagtingin ng dalawang babae na para bang sinasabi nilang hindi niya afford kumuha ng kwarto dahil sa kanyang pananamit. "Magkano po ang per day?" muling tanong ni Maria na dinedma ang tingin ng dalawang babae. Nang makita ng dalawang babae na tila seryoso si Maria na kumuha ng room ay ngumiti na din ang mga ito. "Hi! Deluxe room, VIP room or ordinary room?" Tanong naman ng isa. "Ano bang pinagkaiba ng Deluxe sa VIP?" Tanong din ni Maria nais din niyang magyabang sa harapan ng babae tutal hindi naman siya magtatagal doon sa hotel. Napataas ang kilay ng dalawang babae kita iyon ni Maria kaya lihim siyang natuwa. Parang sinampal sa mukha ang dalawang babae sa tanong ni Maria na akala nila ay hindi afford ng dalaga maski ang ordinary room. "Ang Deluxe, 1500 to 2000 per day ang VIP ay nasa 3000 to 5000 per day depende sa type mo." Paliwanag ng isa naman Tumango-tango naman si Maria po sa loob-loob niya ay mabigat na presyo iyon at sa bulsa. Subalit naalala niya ang kinuha niyang mga pera ng Tito Fidel niya bago siya tumakas. Sapat na pera para magbagong buhay siya sa Manila saka na lang siya lilipat sa mas mura kapag nakagamayan na niya ang lugar. "Sa 1500 per day muna ako kapag okay itong hotel niyo lilipat ako sa VIP." Pang-aasar ni Maria sa dalawang receptionist. Napakurap-kurap naman ang dalawang babae at nagkatinginan. Kapagkuwan ay magiliw na silang ngumiti kay Maria na para bang hindi nila minaliit ito kanina. "Ahm..sa room 143 po kayo Ma'am! Please sign here and enjoy staying in our hotel!" Masiglang turan ng dalawang babae. Napangisi naman si Maria at mabilis siyang pumirma sa log book at kinuha ang susi mula sa dalawang babae. Talamak talaga ang mga mapang-mata sa kanilang kapwa saang lugar ka man magpunta. Iyon pa naman ang pinaka-ayaw ni Maria sa isang tao kaya nagagalit siya sa mga matapobre. Nagmamadaling umalis si Maria sa harapan ng mga receptionist at baka maaway pa niya ang dalawa. "Saan po kayong room Maam?" tanong ng isang bell boy na nasa tabi ng elevator. Napansin ni Maria na may tatlong elevator doon at may nakasulat sa taas na tatlong pagpipilian. Lihim na nainis si Maria sa hotel na pinuntahan niya. Pati elevator may klase din ito, kagaya din ng kanilang room. Ibinigay na lamang ni Maria ang kanyang susi sa bell boy at hindi na siya nagsalita pa. "Ah...sa Deluxe room dito po sa gitnang elevator kayo sasakay maam at pindutin niyo lamang po ang number ng room niyo." Baling na sabi ng bell boy kay Maria sabay sauli sa susi sa kanya. "Salamat," maikling tugon ni Maria at sumakay na siya loob ng elevator. Ang bellboy kasi ang pumindot sa bukasan ng elevator at aminado si Maria na first time niyang sumakay doon at kabado siya. Pagkapasok niya ang may dalawang matandang babae na tadtad ng alahas ang buong katawan. Lihim na napangisi si Maria at mabilis niyang pinindot ang numero ng kanyang magiging kwarto. Dinig ni Maria ang bulungan ng dalawang matanda subalit hindi na niya iyon pinansin. Wala siyang balak makipag-away sa mga taong hindi alam ang kanyang talambuhay. Ang nais niyang lamang sa mga sandaling iyon ay magpahinga, matulog kumain nang matiwasay na wala siyang iniisip na malaking problema. Ilang hakbang lang naman mula sa elevator ang kinaroroonan ng magiging kwarto ni Maria. Nakita niya agad iyon kaya mabilis na siyang pumasok doon. Pagbukas ni Maria sa pinto ng kanyang hotel room ay bumulaga sa kanya ang malinis at magandang loob niyon. Kasya sa apat na tao sana kaya lang ay mag-isa naman siya. Naalala niya tuloy ang naging buhay niya sa baryo Makilang ngayon mamumuhay naman siya nang mas maalwan. Pinuntahan lahat ni Maria ang buong sulok ng kwarto manghang-mangha siya sa ganda, linis at organize niyon satisfied siya. Idagdag pang hindi hotel pang mayaman ang napuntahan niya siguro hotel iyon ng mga nasa middle class. Naisip ni Maria kung ano naman kaya ang hitsura ng ordinary room ng hotel na iyon? Siguro ay pang -isahan lang talaga ang kanilang room na ordinary. Nakita pa ni Maria na puwede ding mag-order ng kanyang pagkain in case magutom siya. Napangiti si Maria kailangan niya munang magmukmok sa loob ng kanyang kwarto upang mapag-iisipan niya ang dapat niyang gagawin sa mga susunod na mga araw. Kaya mag-oorder na lang talaga siya ng kanyang pagkain bahala na kung maging masama siya sa paningin ng iba dahil lulustayin niya ang pera ng demonyo niyang tiyuhin kaysa pambabae at pansugal lamang nito. Ang mas nakatawag nang pansin kay Maria ay ang veranda ng kanyang kwarto. Paglabas mo doon ay kitang-kita mo ang kabuuan ng buong siyudad yata kung hindi siya nagkakamali. Napakaliwanag kasi nasa taas siya, parang pasko lagi dahil sa mga ilaw na may iba't-ibang mga kulay. Humugot nang isang malalim na hininga si Maria at napapikit. This is it! Ito na ang Simula ng bagong yugto sa kanyang buhay kakalimutan na niya ang dating buhay niyang napaka-dilim at napakamalas. Kapagkuwan ay ginamit na ni Maria ang telephone sa kanyang kwarto at nag-order na siya ng kanyang mga pagkain bago siya muling matutulog.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD