EVANNAH NANG matanggal ko ang posas sa aking magkabilang kamay ay tumayo agad ako. Nag lakad ako palapit kay Craig. Ngunit ng malapit na ako ay biglang may humila sa akin. “Don’t move!” naramdaman ko ang bagay na nakatutok sa aking tagiliran. “Evannah, Craig….” ngunit mabilis ang pangyayari. Isa lalaki din ang mabilis nakalapit sa tabi ni Director at kagaya ko ay tinutukan din ito ng baril sa tagiliran. “Anong ibig sabihin nito, Lemuel!” galit na sigaw ni Craig sa lalaking may hawak sa akin.” ngunit sa halip na sagutin si Crai at ang mommy nito ang sumagot. “Masyado kang tiwala sa mga taong nakapaligid sayo, my dear son. Ngayon anong gagawin mo kung isa sa kanila ay alisan ko ng buhay sa mismong harapan mo?” “Hindi mo yon kayang gawin mommy.” sagot ng nagpipigil sa galit na si Crai