CRAIG MADILIM na ng ako ay magising at agad na hinanap ng aking mga mata si Evannah. Kagaya ng pangako nito na pag gising ko ay naririto siya ngunit wala. Dismayado ang aking pakiramdam na tumayo at bumaba baka naroon lamang ito sa aking mga tauhan. “Pareng Ezekiel, si Evannah, nasaan siya?” “Pasensya ka na Pareng Craig, ayaw ko naman siyang payagan ngunit hindi napigilan. Ang sabi niya ay madali lamang siya at babalik din agad. Kaya lang hanggang ngayon ay wala pa rin.” “Saan daw pumunta?” “Walang sinabi basta mahalaga daw ang pupuntahan niya.” hindi na ako sumagot at naglakad na palayo. Pagdating ko sa labas ay natanawan ko si Govan. Lumapit ako dito at agad na nagtanong ngunit kagaya din ang sagot nito. Hindi nila alam kung nasaan at ano ang mahalagang bagay na pinuntahan. “Big Bo