CRAIG MATAPOS ang pangyayari ay naging tahimik si Evannah. Gusto ko siyang tanungin ngunit parang umiiwas naman siya sa akin kaya tumahimik na lang ako. “Big Boss, parang may problema si Ms. Evannah?” wika ni Govan, siguro ay nahalata din nito ang mga kilos ni Evannah. “Wala naman siguro baka may iniisip lang o gumagawa ng bagong plano na mas epektibo upang iligtas si Papa.” “Big Boss, mas mabuti ay iwanan muna ninyo ako dito upang makapag-focus kayo. Dapat maagapan si Director bago pa gawan ng hindi maganda. Ang hindi ko maintindihan bakit ginawa ng mommy mo ang ganun.” “Siguro may dahilan siya kaya huwag na natin pag-usapan. Hindi naman siguro sasaktan ni Mommy si Daddy.” “Sabagay tama ka, Big Boss, maiba ako ‘di ba may binigay na cellphone si Ms. Evannah? Natingnan mo na yon at m