EVANNAH KANINA ng malaman kong stable ang kalagayan ni Craig ay hindi na ako nagpaalam sa mga kaibigan ko. Sa ngayon ay maraming gumugulo sa aking isipan. Binalikan ko rin ang panahon ng unang pagkikita namin ni Craig. Ibig sabihin pala ay sinadya iyon ng binata. Ganun din ang pagka stranded naming dalawa sa laot ng dagat. Hanggang napadpad sa isla ng mga katutubo. Pati na ang pagsakay sa yacht hanggang may dumating na rescue. Lahat ng yon ay nasa plano ng binata. Ang hindi ko lang maintindihan bakit kailangan ni Craig na itago ang totoo. Dapat una pa lamang ay ipinaalam na niya sa akin ng hindi kami umabot sa ganito. Sinara ko rin ang aking cellphone, nagtungo ako sa lugar na alam kong walang ibang makakakilala sa akin. Gusto ko muna makapag pahinga ng isipan. Sa mga nangyari ay gu