CRAIG NAGULAT ako mga taong bigla na lang pumasok dito sa VIP room na kinaroroonan ko. Hindi ko sila kilala kaya kahit hirap pa akong kumilos ay mabilis akong nakatayo. “Sino kayo at ano ang kailangan nyo sa akin?” “Walang oras upang magpaliwanag, Mr. Legaspi. Sumama ka sa amin bago ka pa nila abutan dito.” “Sandali huwag nyo akong hawakan!” “Kaibigan ako ni Evannah, tinawagan niya kami upang alisin ka sa lugar na ito ganun din ang iyong ama.” “Bakit anong problema?” “May impormasyon daw na natanggap si Evannah, na papatayin kayong mag-ama. At isinabay ng kalaban na wala sila dito sa bansa. Planado ang lahat.” “Kung ganun ay nasaan si Daddy?” “Naroon na ang mga kaibigan ko kaya halika na.” ayaw kong sumama dahil hindi ko kilala ang mga taong ito. Ngunit kailangan kong magtiwala