EVANNAH ILANG grupo ang aming na encounter bago kami nakarating sa target area. Hindi rin naiwasan ang sakitan pero ginagawa namin ang lahat upang makaiwas sa mas malalang sitwasyon. Dahil ang mga kalaban ay puro halang ang kaluluwa. “Heartless, huwag mong bigyan ng pagkakataon ang mga gagong yan. Halika magpalit tayo ng pwesto dahil gigil na ako sa mga tarantadong yan." sabay hila sa akin ni Desiree, pero bago ko siya hinayaan ay pinaalalahanan ko pa. Bawal pumatay hanggang may pag-iiwasan, Pero kong maging delikado ang buhay ng bawat -isa ay unahan na nila. Tumango lang ito kahit alam kong anumang oras ay handa itong pumatay ng kalaban. Narito na kami sa bungad pero hindi makapasok sa sobrang dami ng bantay. Kaya kailangan namin ng kaunting oras upang makapagplanong mabuti kundi ay d