EVANNAH NARITO ako sa Donovan Mansyon, gusto ko muna magpahinga kahit ilang oras at saka ako pupunta sa kinaroroonan ni Craig at Director. Kapag dumeretso ako ngayon doon ay hindi ako makatulog kahit konti. Kilala ko si Craig kukulitin lang ako ng lalaking yon. Kahit miss ko rin siya ay pinigilan ko ang aking sarili. Kailangan ko ng ilang oras na pahinga or else baka mag-collapse na ako. "Manang, walang manggigising sa akin, kailangan ko ng mahabang tulog." Bilin ko sa aking mabait na mayordoma. "Nasusunod ang nais mo, Princess." "Salamat po." Iniwan ko na ito at umakyat na ako sa aking silid. Mabilisan ligo at pagkatapos ay agad ng nahiga. Hindi ko na alam kong ilang oras akong nakatulog basta nagising ako sa ingay na aking narinig. Bumangon ako at dinampot ang aking cellphone. Mara