EVANNAH WALA akong pagpipilian kundi kontakin si Dra. Pauline. Dahil kapag hindi ko ipinaalam dito at nalaman ay siguradong itatakwil ako ng babaeng yon. Kaya heto at naghihintay ako dito sa lobby ng hospital. Hindi rin naman nagtagal ay natanawan ko na agad siya. “Anong nangyari sa kapatid ko, Heartless?” “Halika sumunod ka sa akin, naroon siya sa ICU.” “Sino ang responsable sa pangyayaring ito?” “Hindi ko nakilala dahil madilim, sa totoo lang hindi ko alam na kapatid mo ang taong tinulungan ko. Nagkataon lang na lumabas ako kagabi at doon ko siya nakita habang pinagtutulungan ng mga lalaki.” ngunit hindi sumagot si Dra. Pauline, bagkus ay huminto sa paghakbang at nag-dial sa kanyang cellphone. “Imbestigahan mo ang nangyaring ito sa kapatid ko, i’ll give you three days, bye.” narin