KATRINA HINDI ko na hihintayin na pati anak ko o si Aerol ay pag tangkaan ni Lerah Lei. Matagal na akong nagtitimpi sa babaeng ito at hindi ko na mapalampas ang pagkakataon na ito. Tinawagan ko si Manong Nardo, at nakipagkita ako sa kanya. “Hindi ka ba hahanapin ni Eros?” “Nagpaalam ako sa kanya sabi ko ay may bibilhin lamang ako. Bakit mo pala ako pina punta dito, Ma’am Kat?” “Anong alam mo tungkol kay Lerah Lei? At ano ang mga ginagawa niya o pinupuntahan sa maraming taon na wala ako dito sa bansa?” “Sa totoo lang, Ma’am Kat, malaki ang duda ko na siya ang nasa likod ng pangyayari sa buhay ni sir Eros.” “Paano mo nasabi na siya meron ka bang pruweba?” “Wala naman po napapansin ko lang ang kakaiba niyang kilos. Pero meron po akong ibibigay sayo, nakuha ko ang cellphone na yon sa