EROS PANAY silip ko sa monito at sinisilip ko ang basement parking kung dumating na ang sasakyan ng kapatid ko. Nakahanda na rina ko, bagong paligo at halos maubos ang men’s cologne ko sa pag-spray. Muli kong sinilip ang monitor at wala pa rin sila, samantala ay malapit ng dumilim. Dinampot ko ang cellphone at tinawagan ang aking kapatid. Ngunit agad ko rin nilapag ng mapa sulyap ako sa monitor at naroon na ang sasakyan ng kapatid ko sa parking. Muli kong binistahan ang sarili ko sa salamin, sinigurado kong maayos ang suot ko na haharap kay Katrina. Tumayo na ako at mabagal na naglalakad patungo sa pintuan. Pero agad din huminto ng bumukas yon. “Eros, ang mga bata nasaan sila at ano pala ang sasabihin mo sa akin bakit mo ako pina punta dito?” hindi agad ako makasagot, ano nga ba ang