Wala kaming imikan ni Redentor sa loob ng elevator. Hanggang sa naglakad kami palabas ng lobby, at ipinakita ni Redentor iyong gate pass sa guard na naka-poste dun. "Kasama ko po siya," sabi niya sa guard, sabay turo sa akin. Tinanguan lang kami ng guard. Naghiwalay na kami ni Redentor. Siya, palabas ng gate ng hospital, at ako naman sa parking, kung saan naroroon ang sasakyan ko. Palabas na ako ng gate ng hospital nang may sumalubong sa akin na pamilyar na mukha. Celso nga ba ang pangalan nito? Iyong nag-assist sa amin kagabi sa ER? Kumaway pa ito sa harap ng windshield ko, kaya huminto ako at saka nagbaba ng bintana. Bakit kaya? Naunahan din niya akong magsalita. "Mam, LQ ba kayo ng boyfriend mo? Kawawa naman... nandoon lang sa gilid ng pader. Nakatayo doon. Tapos ikaw, eto... n