"Miss?" Miss? Ako ba 'yung tinatawag? Dahan-dahan akong nagdilat ng mga mata, at saka nag-angat ng mukha. Agad kong tiningnan ang relo sa braso ko, at nagulat ako na alas-siyete na ng umaga. "Miss?" Oo nga pala.. Kaya nga pala ako nagising, dahil sa tumatawag na boses na 'yun. Napalinga ako sa pintuan, pero wala namang tao. Kaya ko nilingon iyong lalaking nakahiga sa hospital bed. Nakita ko siyang nakatingin sa akin. Agad kong pinunasan ang pisngi ko, at ang gilid ng mga mata ko. Nang maalala ko na bagong gising nga lang pala ako, Mabilis akong tumayo, at nagpunta sa CR na nasa loob nitong kuwarto. Nag-lock ako doon at saka tiningnan ang sarili ko sa salamin. Mabuti na lang, at himalang hindi oily ang mukha ko ngayon. Bigla akong namroblema. Nandoon sa duffle bag ko ang toothbrush k