Present time... Nakatingin ako sa labas ng bintana ng van nila Aileen. Tahimik akong nakasandal sa head rest. Pinagmamasdan ko kung ano lang na mahagip ng mga mata ko sa daan na binabagtas namin. Hanggang ngayon, hindi pa rin maalis sa isip ko si Keeno. Somehow, I am having guilt feeling. Kung hindi ko sana isinama si Keeno sa lakad ko, o kung in-adjust ko na lang sana ang uwi namin ng one day before the original schdule, para sana hindi kami nagahol sa oras kanina. At sana, hindi ako nagsinungaling kay Keeno, kay Tito George, mga magulang ko... sana hindi nasa alanganing sitwasyon ngayon si Keeno. "Friend..." Nilingon ko si Aileen na nasa tabi ko. "Puntahan kaya natin si Keeno sa office nila?" "Iyon nga ang sabi ko kanina, di ba? Kaso ayaw niya. Eh, baka lalong magalit sa atin