CHAPTER 3 - FOR THE LOVE OF POWER & MONEY

1496 Words
Naikuyom ko ang mga palad ko na nasa ilalim ng mesa at nakapatong sa mga hita ko. Samantalang si Papa ay nakatayo sa harap ng mesa ko. Sinundan kasi niya ako dito sa opisina ko, nang mag-walk out ako mula sa opisina niya, dahil sa nalaman kong pinaggagagawa nila habang wala ako. Unang araw ng pagpasok ko ngayon sa AGC sa bagong palit na taon, at hindi pa naging maganda ang unang araw ko. Actually, ngayon lang nagsi-sink in sa akin ang lahat. "So, that's why... kaya pala ang bilis ninyong pumayag ni Lolo nung humingi ako ng extension ng bakasyon ko. So that, you can orchestrate your plans perfectly habang wala ako," pigil ang galit na sabi ko kay Papa. "I told you, it's Papa's idea. Your Lolo. Not mine." "Provided, Papa. Na idea ito in Lolo. At hindi mo man lang kinontra? Papa, panigan mo naman ako paminsan-minsan..." "It's for your own good, Atasha." "Own good?" napaismid ako, "talaga, Papa? Kapakanan ko ba talaga ang iniisip n'yo?" "Atasha... pagod ka lang." "Pagod? Hindi ako pagod. Pero, ano sa palagay mo ang naramdaman ko nang makita ko kanina ang napakaraming lalaki doon sa hallway ng opisina mo? Pakiramdam ko habang naglalakad ako doon sa hallway na iyon, para akong isang prostitute na sinusuyod ng tingin ng magte-table sa kanya." "Because you're not supposed to be there!" galit na sagot sa akin ni Papa. "Bakit parang kasalanan ko pa na nabuko ko ang ginagawa ninyo?" "Tsk!" tanging naisagot ni Papa. "Hanggang kailan ba tayo magiging sunud-sunuran, Papa? Tao ako, Papa. I have feelings. At nasasaktan ako sa ginagawa ninyong pagtrato sa akin, na para akong robot na kailangang i-program kung ano ang dapat at hindi dapat gawin." Ipinatong ni Papa ang dalawang kamay niya sa mesa ko. Yumuko, tapos ay pumikit, at saka bumuntonghininga nang malalim. I didn't bother to ask him to sit down. Naiinis kasi talaga ako. Sa kanya, kay Lolo, at sa sitwasyon ko ngayon. Ayoko rin namang nakikipagdiskusyon nang ganito kay Papa. But I can't hold on to my feelings anymore. Lalo na, at sariling kaligayahan ko ang nakasalalay dito. Ilang sandali na nasa ganoong posisyon si Papa. Mayamaya lang ay muli siyang nagdilat, at tumingin sa akin. "Look. I'm sorry. But, Atasha… dito rin naman papunta. I’ve been there. Kami ng Mama mo. You will be engaged to a man chosen by us. Well, partially. Because, you will have a chance to choose the man that will suit your qualifications for a husband." "Hah!" Nagulat si Papa nang sundan ko iyon ng pagtawa. Hanggang sa naging sarkastisko na ang pagtawa ko. “What’s funny, young woman?” seryosong tanong sa akin ni Papa. "Biro mo ‘yun… I was given a consideration pa pala..." sabi ko, sa pagitan ng sarkastiko pa ring pagtawa. "Don’t laugh, Atasha. I am telling you, this is much better. Believe me," muling dumerecho ng tayo si Papa, "kesa naman magulat ka na lang kapag ipinrisinta na sa harap mo ang mapapangasawa mo, just like what happened to your Mother and I." Tiningnan ko nang mata sa mata si Papa. "I told you, Papa. Hindi na baleng mahirap ang lalaking pakakasalan ko, at mamuhay akong mahirap. As long as I am happy." "Atasha. Families like us don't have full happiness. Iyong kalahati, itinatapon. Ipinapamigay sa charity. Kalahati lang ang natitira para sa atin," sagot sa akin ni Papa. "We have a choice, Papa. We choose our own happiness. At hindi ang ibang tao ang magdidikta sa kaligayahan mo, at sa kaligayahan ko," sagot ko naman sa kanya. "And let me remind you that we are different from the others. Because we are the Ardiente's." This time, ako naman ang tumayo. Itinukod ko ang mga kamay ko sa mesa ko, at saka dumukwang kay Papa. "And I hate it, Papa.I hate being an Ardiente. May sumpa ang pagiging isang Ardiente!" Mabilis na nakaabante si Papa papunta sa akin. Tumaas ang kamay niya. Aktong sasampalin niya ako, pero nabitin ito sa ere. Namumula rin ang mukha niya. Sa galit niya siguro sa akin. Alam kong hindi ako dapat sumasagot nang ganito kay Papa, but I can't contained my feelings. They are violating my human rights! Bumaba ang kamay ni Papa, na nasa ere kani-kanina lang. Hindi naikaila sa akin ang mabilis na pagtaas-baba ng dibdib niya. Kahit papaano ay naalarma ako doon. "I am warning you, Atasha. This is the end of this discussion. Don't try to confront your Lolo anymore. Huwag mo na siyang bigyan ng kahihiyan. Wala ka na rin namang magagawa. Don't stress yourself." "Kahihiyan? Hindi ba kahihiyan iyong nangyayari ngayon sa labas ng opisina mo? Hindi ba kahihiyan iyong parang ibinubugaw ninyo ako sa mga lalaking aplikante sa itaas?" "Enough, Atasha!" Iyon lang at mabilis na akong tinalikuran ni Papa, at lumabas ng kuwarto ko. Nanlalata namang napaupo na lang ako sa upuan ko. Sumandal ako, at saka pumikit. Unang araw ko dito sa opisina, galing mula sa Asian cruise namin nila Aileen at Keeno, ito hindi ko akalaing ito pala ang madadatnan ko. And speaking of Keeno, hindi ko alam kung may alam ba siya dito. Pero ang sabi ni Sugar ay nag-email sila sa mga possible candidates. At maaaring nakatanggap si Keeno ng e-mail kaya siya nandoon sa opisina ni Papa. At magkasama kami ng limang araw sa cruise, at wala siyang nabanggit sa akin? I feel betrayed. Masama ang loob ko kay Keeno. Kaka-okay lang namin. Tapos eto na naman? Nagdilat ako ng mga mata, at saka pinagdiskitahan ang intercom. May pinindot ako doon. Sandali lang ay narinig ko na agad ang boses ni Sugar. ["Yes, Mam?"] "Ayoko munang tumanggap ng bisita, kahit na sino." ["Yes, Mam Atasha."] Nang biglang tumunog ang cellphone ko. Nakita ko sa screen ang pangalan ni Keeno. I declined his call, at binalingan si Sugar. "I will be call forwarding all my calls to your phone. Screen all my calls." ["Yes, Mam."] Tatapusin ko na sana iyong tawag, pero narinig ko uli ang boses ni Sugar. ["Mam?"] "Bakit?" ["Coffee?"] Bumuntonghininga ako. "Yes. Please." Iyon lang, at tinapos ko na ang pag-uusap namin. Pagbaling ko ng tingin, napatingin ako sa screen ng laptop ko. Nakabalandra doon ang front page ng hindi ko pa natatapos na concept paper. Ini-scroll ko iyon, at dinala sa pinakahuling page na kailangan kong gawin. Pero ilang sandali na akong nakatitig doon, at wala namang pumapasok sa utak ko nang kahit anong idea. Muli kong ipinikit ang mga mata ko. Malamang, tatapusin ko ang concept paper nang mag-isa. I don't want to talk to Levi, either. Isa pa siya! Naiinis din ako sa kanya, nang malaman ko na nag-apply din siya. It's obvious, his after the position and the power. And I thought he is my friend also. Naputol ang iniisip ko nang may kumatok sa pintuan. I like to speak, pero tila pagsabi ng 'Come in' ay kinatamaran ko na rin. Nang wala sigurong narinig si Sugar na pag-acknowledge galing sa akin, ay kusa na siyang pumasok sa loob ng kuwarto ko. "Mam, ito na 'yung coffee mo," parang nahihiya na sabi ni Sugar. Hindi ako sumagot, at tahimik ko lang na pinagmasdan ang pagdadala niya nung tasa ng kape sa mesa ko, hanggang sa mailapag niya 'yun. "Mam... hihingi lang ako ng sorry sa--" "You may go now, Sugar," putol ko sa sasabihin niya. Natigilan man si Sugar, ay sinunod pa rin niya ako na lumabas na ng kuwarto ko. Wala talaga ako sa mood makipag-usap sa kaht kanino. Lalo na kung iyon pa rin naman ang topic. Umaga pa lang, at kadarating ko pa lang ng opisina, pero pakiramdam ko ay pagod na pagod na ako. Pinagdiskitahan ko na lang iyong kape ko. Kinuha ko iyon, at inilapag malapit sa akin. Dinampot ko iyong coffee spoon, at saka hinalo iyong kape, kahit alam ko namang hinalo na iyon ni Sugar kanina. Patuloy lang ako sa paghalo, habang sinusundan ko ng tingin iyong likido sa loob ng tasa habang umiikot-ikot siya. Mula pagkabata, naging masunurin ako sa kanila. Kay Papa at kay Lolo. But this time, this is too much. Pakiramdam ko, hindi na tao ang tingin nila sa akin. Isa na lang akong bagay na anumang oras na gusto nilang paglaruan ay gagawin nila. Isang robot na de-susi na kung anong gusto nilang ipagawa ay susundin ko lang nang walang pagtanggi. Napansin ko na wala nang usok ang kape ko, kaya tinigilan ko na ang paghalo. Inilagay ko ang coffee spoon sa gilid ng platito. Pero wala pa rin akong balak na inumin ang kape, at nanatili lang na nakatingin sa bahagya pang umiikot na likido sa tasa. Bakit ba hindi ko naisip na magkahinala sa mabilis na pagpayag ni Papa sa paghingi ko ng leave extension? Tama nga si Aileen, sa pagsasabing kahina-hinala ang mabilis na pagpayag ni Papa. Sino ba ang mag-aakala na kaya pala nilang gawin ang ganun? Hah! For the love of power and money.  ~CJ1016
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD