CHAPTER 4 - MY HUSBAND CANDIDATES

1495 Words
Palihim kong sinilip sa ibaba iyong apat na bisita ko mula dito sa bintana ng kuwarto ko. Binigyan ko sila ng kanya-kanyang trabaho, bago ako matulog kanina, para tahimik ang paligid ko. Mabuti naman at sinunod nila ako. Kung napaniwala ko sila na totoo ang mga bala na gamit ko, sorry na lang. Mabuti na lang at tatlong araw na lang at matatapos na ang twenty days na pananatili nila dito sa bahay ko. Tatahimik na nang tuluyan ang mundo ko. Parang kailan lang, nung mag-umpisa ang day 1 of 20 days ko kasama sila. “Atasha, you are not required to go to work in twenty days starting tomorrow,” anunsiyo ni Papa over lunch sa bahay ni Lolo Gener. Mabilis pang sumulyap si Papa kay Lolo pagkatapos niyang sabihin ‘yun. Nakita ko na bahagya siyang tinanguan ni Lolo. Eto na naman silang dalawa. Para tuloy gusto kong kabahan kapag silang dalawa ang involve. Magkatapat kami ni Papa sa mesa, and as usual, katabi ko si Uncle Eman. Sa totoo lang kasi, mas close pa ako kay Uncle Eman kaysa kay Papa, dahil kayang sakyan ni Uncle Eman ang mga gusto ko, lalo na ang mga munting kalokohan ko. “Ano’ng meron, Papa?” Lumunok muna si Papa, pinunasan ng table napkin ang bibig niya, bago nagsalita. “You will be staying in the house, which your Lolo gifted to you.” Kumunot ang noo ko. Deep inside, umaandar na ang utak ko. Nag-iisip na ako ng mga possibilities kung bakit ako titira doon. “Why?” “You have to live there with the top three gentlemen that we have chosen to be your husband. In other words, the top three candidates for your future husband.” “What??” gulat kong sabi. Akala ko pa naman, hindi na nila itinuloy iyong pagpili nila sa mga magiging future husband ko. Almost two weeks din silang nanahimik. So, akala ko naman, pinakinggan nila ang hinaing ko. “You have no time to argue, mi linda,” sabat naman ni Lolo Gener. “Pero, ‘Lo–” “Ah-ah-ah… I told you, do not argue. Tapos na. Nakapagdesisyon na kami ng Papa mo,” putol ni Lolo sa magiging reklamo ko sana. “Kayo ni Papa. Kayo lang ang naghdesisyon. Para sa akin. Sana naman ‘Lo, isinasama ninyo ako sa desisyon n’yo. In fact, future ko ang nakasalalay dito,” pangangatwiran ko. “Correction, mi linda. It’s the Ardiente’s and all our companies future. Not you alone,” sabi niya. Mariin kong tiningnan sa mga mata niya si Lolo Gener. “I know. But this last heiress will be the one to decide and manipulate your so-called Ardiente’s future.” “Atasha! Stop arguing with the Chairman,” saway sa akin ni Mama. “Pero, Mama—” “Shut up, Atasha.” Wala na akong nagawa. Kapag ganitong sumali na si Mama sa usapan ay siguradong pagtutulungan na nila ako. Ang ibang mga kasama namin sa mesa, na sina Tito Luis, Tuta Katrina at Uncle Eman ay wala rin namang mga imik. Dahil ba sa alam nilang wala rin naman silang magagawa, o dahil nakasanayan na nilang susunod lang sila sa anumang utos ni Lolo Gener bilang Chairman ng AGC? Isa pa, ako rin naman ang magtatrabaho ng lahat, bilang tagapagmana ng AGC. Dinampot ko ang cranberry juice na nasa harapan ko, at saka nilagok iyon. Doon ko na lang ibinuhos ang inis ko sa mga nangyayari ngayon. “As I was saying earlier, my daughter…” sarkastikong panimula ni Papa, “you will be staying in that Atasha Ardiente house. I am calling it that way, since nakapangalan na sa iyo ang titulo ng bahay at lupa na ‘yun.” “Yeah, ang bahay na ‘yon ang bayad ninyo sa sakripisyo ko,” sabi ko sa sarili ko. “Atasha!” Nagulat ako. Narinig ba ni Mama ang sinabi ko? Napalakas ba ang pagkakasabi ko? Naramdaman ko ang bahagyang paglapit sa akin ni Uncle Eman. “I heard it, too,” mahinang sabi niya sa tapat ng tenga ko. Marahas na lang akong bumuntonghininga. Siguro ang ibang naririto sa mesa ay narinig din ang sinabi ko. But I don’t care anymore. Kung narinig na nila, eh di narinig na nila. Wala na akong magagawa. “As I was saying…” pag-uulit ni Papa, para makuha ang atensiyon naming lahat. “You, Atasha must stay there. In that house. Together with the top three contenders.” “Hah! Parang contest lang talaga. Contenders…” puna ko sa sinabi ni Papa. “Okay, aspirants. Wanna-be’s. Whatever you wanted to call them,” naiinis na pagtatama naman sa akin ni Papa. “Wow! Parang reality show lang, ah! Baka naman may mga cameras din doon sa bahay, katulad dun sa sikat na reality tv show?” “Of course, meron. But not inside the house. Nasa gate and outside the main door lang ang CCTVs. I still value your privacy.” “Wow. Thank you,” sarkastiko kong sagot, “pero, serious talaga kayo dun? You will let me live with three men under one roof?” Salitan kong tiningnan si Papa at Lolo, pati na rin si Mama. “Don’t worry. Kasama naman si Keeno sa tatlo. So, panatag pa rin kami na may magbabantay sa iyo doon,” sagot ni Papa. Napailing ako nang narinig ko ang pangalan ni Keeno. Pero okay na rin, at least may kilala akong kasama sa loob ng bahay ko. “And who will be the other two?” tanong ko. “You will meet them on the first day.” Tumanngo-tango ako. “And what’s the purpose of this ‘live-in’ situation?” Nag-quote and unquote pa ako sa hangin sa pamamagitan ng mga daliri ko. “Do I need to have s*x with all of them?” nang-iinis kong tanong. Of course, hindi ko kayang gawin ‘yun. Gusto ko lang talagang inisin si Papa at Lolo. Tutal naman, nauna naman silang inisin ako sa paglalagay nila sa akin sa sitwasyon na ‘yun. “Atasha!” malakas na saway sa akin ni Mama. Nilingon ko si Mama. “Just asking, ‘Ma. Mabuti na ‘yung malinaw. Di ba sabi mo nga, sumunod lang tayo sa gusto ng Chairman?” Hindi ko gusto ang mga sinasabi at inaakto ko, but I can’t help it. Pakiramdam ko, wala akong kakampi sa pamilyang ito. At sila pa ang naglulubog sa akin sa sitwasyon. “Just test them inside the house.” Napalingon kaming lahat kay Lolo Gener nang magsalita siya, kaya medyo nawala ang tensiyon sa pagitan namin ni Mama. “Check mo kung sino sa tingin mo ang magdya-jive sa ugali mo,” dagdag pa ni Lolo Gener, pero parang sa tingin ko ay double meaning ang ibig niyang sabihin sa akin nun. “Okay. What if wala akong napili sa kanilang tatlo? Can I choose my husband-to-be on my own?” Salitan kong tiningnan si Papa at Lolo. Sa ilalim ng mesa ay pinagkrus ko pa ang dalawang daliri ng kanang kamay ko, hoping umayon sa akin ang magiging sagot ng dalawang pinakamakapangyarihang lalaki ng mga Ardiente. “If that will be the case, we will call the next in-line sa mga nag-apply na mga napili namin ng Papa mo. And then, same process, you will stay with them at your house,” sagot ni Lolo. Muntik na akong napamura, kung hindi ko napigilan ang sarili ko. “Bakit ba ayaw n’yo akong hayaang pumili ng sarili kong mapapangasawa? After all, ako ang magpapakasal, ako ang makikisama, so why not?” “Because mi linda, we know what is best for you.” Si Lolo Gener ang sumagot. Pakiramdam ko ay umakyat ang dugo sa ulo ko. “Best for me? What is best for you, may not be the best for me. What’s best for Papa and Mama, may not be the same as me. So please stop putting your shoes on mine. May sarili akong isip, may sarili akong desisyon.” ‘I’m done with my lunch.” I abruptly stood up and walked out of the dining room. Wala na akong pakialam kung nasaktan ko ang damdamin nila. Dahil ‘yun sa akin, matagal na nilang nasaktan. Muli kong sinipat ng tingin iyong apat na lalaki sa ibaba. . Tiningnan ko kung talagang ginagawa nila iyong mga task na iniutos ko sa kanila. Nakita ko si Keeno na abala sa pagtatabas ng mga d**o. Si Levi naman ay pinagsalang ko ng mga makakapal na kurtina at mga comforter sa washing machine. Samantalang si Karl James ay pininturahan ang bakod. At dahil forte naman ni Redentor ang pagluluto, siya ang bahalang magluto at magpakain sa tatlo. Sila Keeno, Levi at Karl James ay may kaniya-kaniyang kaugnayan sa akin, maliban kay Redentor. Ano nga ba ang naging kaugnayan nilang tatlo sa akin? Isa-isa kong inaalala ang mga ‘yon. ~CJ1016
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD