[Atasha] "Huy, Ata... iyong isang bag mo, ha. Sa akin na lang 'yun!" ungot sa akin ni Aileen na katabi kong naglalakad papasok sa isang fine dininhg restaurant. Tiningnan ko siya nang masama. "Para namang hindi mo alam na pinapa-auction ko iyong mga pinaglumaan kong bag? Ikaw nga ang nago-organize ng charity ball para sa auction ko, tapos hihingin mo?" Ngumuso siya, at saka tila nagpapaawa pa na nagsalita. "Sige na, Isa lang... 'yung limited edition mong Hermes... iyong Constance na puro swarovski crystals?" Kumukurap-kurap pa siya, na parang nagpapa-cute sa akin. "Ah, 'yung pink?" "Oo. 'Yun nga!" Sunod-sunod pang tumango si Aileen. Inirapan ko uli siya. "No. Sayang din ang fifty to seventy thousand kung mabebenta 'yun sa auction." "Kainis." May kasama pang pagpadyak ng