Inihinto ni Keeno ang sasakyan niya sa lobby ng building ng AGC. "Thanks sa lunch, Keen," sabi ko sa kanya. "Promise, huwag mong sabihin kay Ai na nag-lunch tayo. Lagot ako dun!" pakiusap pa ni Keeno. Ngumiti ako sa kanya. "Promise." Tinawagan ako kanina ni Keeno, at niyayang mag-lunch out. Pumayag na rin ako to clear some things between us. I love Keeno. Hindi ko maitatanggi 'yun. But that was only brotherly love. And I am grateful na natanggap iyon ni Keeno. Siguro sa umpisa, magtatampo siya sa akin. Pero alam kong mananaig pa rin ang pagmamahal niya sa akin para yakapin ang katotohanan. Sa may halos mahigit isang buwan naming hindi pag-uusap ni Keeno, kinapa ko ang sarili ko kung ano talaga ang nararamdaman ko para sa kanya. Pero hindi ko makita ang sarili ko na siya ang makaka