Ngayon ang araw ng nakatakdang pag-uwi ni Leo sa U.K. Magkasabay sila ni Trisha sa pag-uwi dahil hindi ito napilit ni Leo na mauna na sa kanya. Naniniguro siguro ang bruha na makakauwi si Leo kaya kahit pa siguro ipagtabuyan niya ay magmamatigas pa rin ito. Simula nang magkasundo kami ay sa bahay na pumipirmi si Leo. Umuuwi lang siya kapag kumuha ng gamit. And here we are sorting out his stuff baka may makalimutan siyang dalhin. My parents gave him some gifts for his parents. Though hindi pa namin sila kilala ng personal but my parents are looking forward to meet them. “Babe, are you sure you're not going with me?” bigla'y yumakap si Leo mula sa aking likuran at isinandal ang baba sa aking balikat while I'm folding some of his clothes para ilagay sa maleta. Pilit kong pinasigla ang boses

