Matamlay akong pumasok ng trabaho kinabukasan. I tried my best to divert my attention from thinking about Leo and do my work. Gumawa ako ng panibagong designs. Nasa kalagitnaan ako ng pangatlo kong dinidisenyo nang tumunog ang aking telepono. Agad ko itong kinuha nang makita ang pangalan ni Leo sa screen. Sinagot ko ito agad. “Hi babe, we just landed at Dubai Airport. I miss you!” agad na bungad nito nang sinagot ko ang tawag. May stop-over ang flight niya to U.K. at sa Dubai nga ito. “How’s your flight, Babe?” tanong ko na pilit pinasigla ang boses. “Good! I slept the whole flight. Pinuyat mo kasi ako kagabi,” at tumawa ito ng malakas. “You are the one who did that, Mr. Wang,” natatawa ko ring tugon. Paano halos magdamag na naman kaming nagtampisaw sa kandungan ng bawat isa dala ng

