(W A R N I N G : T Y P O A N D E R R O R S A H E A D ! ! ! ! ! ! ! ! E N J O Y R E A D I N G ! ! ! ! ! ! ! ! ! ) CHAPTER 09: TUNAY NGA BA? BLAIRE’S P. O. V. Dumating ang umaga. Sa pagmulat sa aking mata. Agad bumungad sa akin ang sinag ng araw mula sa aking bintana. Summer na kasi. Bihira lang ang umulan dito sa probinsya ng Angoscia. Kanina ko pa naaamoy ang bango ng ginisang bawang, sibuyas, at luya. Napabalikwas ako sa kama. Sinuot ko ang pares ng hello kitty ko na tsinelas. Bago ako bababa. Magtatanggal muna ako ng mga muta. At makapag limumog na rin. Simula ng magtransition ako at uminom ng mga pills ay nagiging conscious na ako sa aking kabuuan. Sa pisikal ko na anyo. Kailangan talaga pulido. Iyong tipong walang bakas ng pagka Adonis. Dapat puro Eba lang. Para perpuk