(W A R N I N G : T Y P O A N D E R R O R S A H E A D ! ! ! ! ! ! ! ! E N J O Y R E A D I N G ! ! ! ! ! ! ! ! ! ) CHAPTER 10: MARUPOK. POK BLAIRE’S P. O. V. Nagdaan ang mga araw at lalo akong nawalan ng gana. "Kaburyo. Kapagod. Hahay," tipid kong sabi sa aking sarili. Mag-iisang Linggo ko nang hindi nakikita ang kaniyang pagmumukha. Dapat nga matuwa ako pero bakit... may parte sa puso ko na namimis siya. Hay! Kapagod! Ito ang pinakaayaw ko. Ayaw kong malihis sa importanteng bagay sa buhay ko. Kailangan ko pang makalikom ng pera para makabayad ng utang. Hindi rin nakuwento ni Papá kung kailan ang due date niya. Siguro kailangan ng bayaran agad. Ang laki ng sampung milyon. Baka kasama na riyan ang interest. O baka talaga sampung milyon. Hindi ko na tinanong ang maliliit