( W A R N I N G ! ! ! ! ! ! ! ! ! ! T Y P O ' S A H E A D ! ! ! ! ! ! ! ! ! ! ! E N J O Y R E A D I N G ! ! ! ! ! ! ! ! ! ! ! ! ! ! ! ! ) CHAPTER 68: WITH HEART, MALDITA BLAIRE’S P.O.V Pareho kaming nakaupo sa sofa. Ang aking atensyon ay nakatuon sa kaniyang mga kamay na labis na napuruhan. Ano ba kasing ginawa ng lalking ito? Parang hindi lang siya sumuntok ng pader. Inangat ko ang aking tingin at nakita ko na labis ang kaniyang titig sa akin. Nilakbay ko ang aking mga mata sa kabuuan ng kaniyang mukha. Para siyang panda. May maitim na bilog sa kaniyang kaliwang mata. Pati sa labi rin ay parang may dugo na natuyo. “Anong ginawa mo?” sa aking pagtanong ay napayuko siya. Walang salita na lumabas mula sa kaniyang bibig. Hindi ko na lang din kinulit pa si Caleb at pinagpatuloy ko ang