( W A R N I N G ! ! ! ! ! ! ! ! ! ! T Y P O ' S A H E A D ! ! ! ! ! ! ! ! ! ! ! E N J O Y R E A D I N G ! ! ! ! ! ! ! ! ! ! ! ! ! ! ! !) CHAPTER 67: MALDITA WITH A HEART BLAIRE’S P.O.V Mabigat ang aking mga mata at halos hindi ko na maibukas pa. walang sawang bumuhos ang masagana kong luha kahapon. Maski ang aking pakiramdam ay mabigat rin. Gusto kong mahilata lang sa kama at makipagtitigan sa kulay pink na ceiling. Sobrang sakit pa la no? kahapon ay dapat masayang araw sana para sa amin ni Caleb. Pero bakit ganon? Lahat ng expectations ko ay naglaho sa hangin. Mainit ang singaw ng aking katawan at kada haplos ng hangin sa aking balat ay para akong mangingisay sa lamig. Pero kahit ano pa man ag maramdaman ko ay dapat maging handa ako. Laki ako sa hirap at ang mga pagsubok n