I silently cleaned and dried the spreading saliva on Cedric's face. Isang pamilyar na Doctor ang pumasok dito sa loob at sinaksakan ng gamot si Cedric sa braso kaya naman bahagya lang itong kumalma. Pero hindi gaya ng dati na bumabalik pa siya sa tamang katinuan. Nakatulog siya pero bahagya pa rin siyang umuungol. Niyakap ko siya ng mahigpit at muling bumuhos ang aking mga luha. "I t-thought we would fight together. I thought none of us w-would give up. But why? Why Cedric? You surrendered without even letting me know. Nagplano ka na pala na iwan ako!" Walang pagsidlan ang sakit na nararamdaman ko sa mga oras na ito. Bigla akong napatingin sa aking daliri nang kumislap doon ang singsing na kailan lang ay ibinigay niya sa akin. "Bakit nag-propose ka pa sa akin ng kasal kung hindi mo n