WARNING SPG: Maezie's POV Nang masiguro kong mahimbing na ang pagkakatulog ni Cedric sa kama ay maingat akong lumabas ng silid bitbit ang supot ng pagkain at ilang kasuotan na magagamit ni Liam at Nikay na nanatili sa katabi naming silid. Naririto kami ngayon sa isang hotel sa Tagaytay. Pinili namin ang may overlooking views sa pagbabaka-sakaling makagaan ng pakiramdam para kay Liam at Cedric ang pagtanaw sa magandang view sa ibaba nitong Tagaytay. Pinakiramdaman ko muna sa loob ng silid bago ko pinindot ang button para sa doorbell. 'Di nagtagal ay kaagad din itong bumukas at sumungaw si Liam na nakasuot ng robe. "Here's your clothes and foods," nakangiti kong sabi kay Liam. Pansin ko naman ang maaliwalas niyang awra. But all of that is just because of the drugs in his body. "Thank y