CHAPTER 2 BACKRIDE

1218 Words
FLASHBACK Cedric ( 7 years old ) "Lolohhhhuhuhuh. Huuuhh..." walang tigil sa pag-iyak ang batang lalaki na nasa gitna ng kagubatan. Takot na takot na siya dahil ilang oras na siyang nag-i-isa. Pinilit niyang maka-alis sa ugat na sinabitan ng kaniyang paa. Pinili na lang muna niyang ma-upo sa tabi ng isang malapad na puno habang ipinupunas niya sa kaniyang nagdurugong paa ang kaniyang towel na kanina lang ay puti pero ngayon ay punong-puno na ng dugo. Tumahimik na siya mula sa pag-iyak at palinga-linga na lang sa paligid. Nagdidilim na at lingid sa kaalaman ng bata ay ang nagkalat na mababangis na hayop sa paligid na sa gabi ay naglilipana upang maghanap ng kanilang makakain. Nakatulog ang bata sa gilid ng puno sa paghihintay na bumalik ang kaniyang lolo pero sumapit na ang gabi pero walang lolo ang dumating. "Hiiiiissssssssssssss..." Napakislot at nagising ang bata nang maramdaman niyang bumigat ang ibabaw ng kaniyang tiyan. Nang magising siya ay nagulat pa siyang madilim na pala ang paligid at wala na siyang halos makita. May kaunting liwanag lang ang kanyang nababanaag na nagmumula sa ilaw ng ilang poste sa di-kalayuan. "Hiiissssssssshh..." May narinig siyang tunog at gumagalaw na mabigat sa kaniyang ibabaw. Kinapa-kapa niya ito at pinisil-pisil. Sa isip niya ay magaspang at parang makaliskis ang balat nito. Matalino ang batang si Cedric. Nag-a-aral siya sa isang exclusive school, bukod doon ay mayroon pa siyang tutor sa kanilang mansion kaya alam niyang isang malaking sawa ang ngayon ay gumagapang sa kaniyang tiyan. Pero dahil sa bata niyang edad ay hindi pa niya alam ang gagawin sa mga ganitong pagkakataon. Kaya naman tinangka niyang hawakan ang tahimik na gumagapang na sawa. Halos malaki pa ang hugis ng katawan nito kaysa sa kaniyang mga binti. Sumigaw siya ng pagkalakas-lakas. "Lolooooooooh!!!" Mabilis niya itong hinawakan at binuhat. Binigay niya ang kaniyang buong lakas na mabuhat ito at basta na lang itinapon sa kaniyang gilid. Bigla namang nagwala ang malaking sawa. Tumayo ang bata at tumakbo ng pinakamabilis niyang takbo. Hindi alintana ang nagdurugo niyang paa at hapdi nito. Ganoon din ang dilim ng kapaligiran. Basta takbo lang siya ng takbo. Nagkasabit-sabit ang kaniyang mga braso sa mga damong kaniyang nadadaanan. Pero dahil sa sobrang takot ay wala na siyang pakialam. Pero ang di niya alam ay hinabol siya ng sawa. Patuloy siya sa pagtakbo nang muli na naman siyang matisod sa naka-usling ugat ng puno. "Ahh! Loloooohhhuuuuh! Huhuuuhh!!" umatungal siya ng iyak at hindi agad nakakilos. Inabutan siya ng sawa at agad sinakmal sa kaniyang likurang bahagi ng katawan. "Ah! L-loloh!" daing niya sa sakit. Nilingkis pa siya ng sawa sa kaniyang katawan kaya naman nahirapan siyang huminga. Pero maya-maya din ay lumuwag ito at tuluyang nakawala ang katawan ng bata sa pagkakalingkis nito. Naramdaman niyang may bumuhat sa kaniya bago siya tuluyang nawalan ng malay. *** Nagising siyang nasa loob na ng kulay puting silid. Nakita niya ang kaniyang Mama na hindi tumitigil sa pag-iyak katabi ang kaniyang ama na tulala lang at hindi nagsasalita pero mababakas ang halo-halong emosyon sa mukha, galit, pagkasuklam, awa para sa anak at kawalan ng magagawa para sa ama. Paulit-ulit ang ganitong eksenang naranasan ng bata sa kamay ng kaniyang lolo hanggang sa ito'y lumaki. Naging bully siya sa lahat ng kaniyang mga kaklase dahil dito niya lang nailalabas ang poot na gusto niyang maghiganti sa mga hayop na kumakagat sa kaniya sa gubat. Sa isang batang babae niya lang hindi magawa ang kaniyang pambu-bully. Tingin niya kasi ay maldita ito at lalaban sa kaniya. Sa maraming beses na niyang paglalagi sa kagubatan ay natutunan na niyang lumaban sa iba't ibang uri ng hayop na naririto. Maging sa mga pinakamababangis at mabibilis na hayop. *** HIGH SCHOOL DAYS Cedric's POV "Cedric!" Napalingon ako sa tumawag sa akin. Si Selenang monggoloid pala. Problema ng babaeng ito. Huminto ako sa paglalakad, patungo na sana ako sa locker dahil dumaan pa sila ni Maezie sa restroom. Pero bakit wala ang girlfriend ko? Nilinga ko ang kaniyang likuran pero nag-i-isa lang talaga siya. "Girlfriend ko?" masungit kong tanong sa kaniya. "Ang galing mo talaga, no? Napadugo mo talaga siya ng ganoon kabilis?!" sigaw niya sa mukha ko. "Pfft!" "Haha!" Nakarinig ako ng tawanan sa paligid kaya naman pinanlakihan ko ng mga mata si Selenah. Narito kasi kami ngayon sa corridor. Sinamaan ko rin ng tingin ang mga unggoy sa paligid at agad naman silang nanahimik. "Anong sinasabi mo?" inis kong tanong sa kaniya. "'Yong girlfriend mo nga, hindi makalabas ng restroom dahil maraming dugo!" sigaw niyang muli. Kinabahan naman ako at agad tumakbo ng mabilis patungong restroom. Hindi na ako kumatok pa at basta ko na lang winasak ang nakasaradong pinto. "Ay!" "Omaygash!" "Ay kalabaw!" "Bayag mong lumaki!" "Mama mo!" sabay-sabay na sigaw ng mga nagulat na mga babaeng naririto sa loob ng restroom. Hindi ko sila pinansin. Pumasok ako sa loob at hinanap sa lahat ng cubicle si Maezie. "Babe?!" malakas kong sigaw. Sinilip ko pa ang ilalim ng lahat ng cubicle. May mga nakita akong naka-upo at 'yong iba naman ay nagpa-panty na. "Daming damo dito ah," sabi ko habang palipat-lipat ng silip sa ilalim ng bawat cubicle. "Ay bastos!" "Owemji!" "Babe, anong ginagawa mo?!" narinig kong sigaw ni Maezie mula sa aking likuran. Ako naman ay sisilip pa lang sana sa sunod na cubicle. Nasa fifteen kasi ang cubicle dito eh. Agad naman akong napaharap sa kaniya. Tumayo ako at kaagad ininspeksiyon ang kanyang katawan. "Nasaan ang dugo?! Asan?!" Hindi ko mapigilan ang mag-panic. Inikot-ikot ko siya hanggang sa makita ko ang palda niyang may bahid ng dugo sa may parte ng kaniyang pang-upo. Agad ko itong hinawakan at sinamyo ng aking mga daliri. Inamoy ko pa. Dugo nga. Langya! Regla to eh! Pag-angat ko ng mukha kay Maezie ay nakangiwi na siya sa akin. Nameywang naman ako sa kaniyang harapan. "Ang galing talaga ng bestfriend mo, no?" nakangiwi ko ring sabi sa kaniya. Alanganin siyang ngumiti sa akin. Maya-maya ay sumimangot din. "Paano ako lalabas, babe? Saka masakit na ang puson ko," naiiyak niyang sabi. Agad kong hinubad ang aking polo at itinali sa kaniyang beywang kaya ang naiwan ko na lang na suot ay sando. Narinig ko ang bulong-bulongan ng mga naririto pero wala akong pakialam kung makita nila ang mga malalaki kong pilat sa aking katawan na 'yong iba ay sariwa pa. "Come on." Umupo ako sa harapan ni Maezie ng nakatalikod. Agad naman siyang sumakay sa aking likuran at yumakap sa aking leeg. Tumayo na ako at lumabas ng restroom. "I love you babe," bulong niya sa aking kanang tainga habang ako ay naglalakad at siya naman ay pangko ko sa aking likuran. Nangiti na lang ako. 'Yan naman ang gusto ko sa kaniya. Isang lambing niya lang ay madali akong kumakalma. Dumaan muna kami ng locker para kunin ang aming mga gamit. Tapos ay dumiretso na sa parking lot. Isinakay ko siya sa frontseat at ako naman ay sa driverseat. Agad na akong nag-drive pauwi sa kanilang bahay. Oo, ako na ang nagda-drive kahit 15 pa lang ako dahil sa consent na rin ni tanda. Ang aking lolo.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD